“Che ! Ikaw ang shumatap ! Bwisit ka ! Napakapakelamphmmhh”
Lahat kami na nakakasaksi sa pangyayari ay literal na nakabuka ang mga bibig . Kulang na lang ay langaw na papasok . Wala namang shocking sa nasa harapan namin . May kissing action lang naman si Sir Greg at si Karina . Nagulat kami lahat e ng halikan ni Sir si Karina . Naingayan siguro .
“EVERYBODY GET BACK TO WORK !” bigla ay utos nito ng bitawan si Karina . Tumalikod ito na parang walang nangyari at bumalik sa office nito , kasunod si Miss Cherry .
Nilapitan ko naman agad si Karina na natulala na . Grabe epektibo pala ang halik na pampatahimik . HAHA . Hinila ko palabas si Karina dahil nagbubulungan na ang mga workmates ko .
“Ok ka lang ?” tanong ko sa kanya .
“Girl pakisampal nga sakin please . Totoo ban a hinalikan ako ni Sir Greg ?” sabi nito na parang nakalutang sa ere .
Tumawa ako . “Oo . Hinalikan ka nya . Baka naman pwede ka ng umuwi muna sa unit ko at dun mo na muna sya i-daydream ? Magtutuos pa kami nun mamaya I’m sure .” sabi ko .
Tumango ito at walang salita na lumabas ng office . Baka mapaano yun ah ? Tulala pa rin e ! Tsk .
***
Buti na lang talaga hindi ako pinagalitan ni Sir Greg . Akala ko talaga kanina papalayasin nya na ako e . Pero ang nakakapagtaka sa lahat , hindi man lang sya nagreact sa nangyari . Parang wala lang . Hinayaan nya lang kami na makalayas . Lalo na ako . Hmmmm . . .
Ang isa pang hindi ko maintindihan sa sarili ko ay kung bakit may hawak hawak ako ngayong Chameleon . Oo . Yung butiking ewan . Bakit ko ba kasi naisipan kanina na bumili ng pet sa petshop malapit sa office ? Natripan ko lang , bakit ba ? Pero kasi , pwede namang tuta na lang o kuting . O kaya ibon . Pero bakit ang napili ko e butiking malaki ang mata ? Haaay ang abnormal ko talaga .
Pag bukas ko ng pintuan ng unit ko , nakita ko agad si Karina na nakangiti sa kawalan habang nagsusuot ng sapatos . Nakaupo ito sa couch .
“Uuwi ka na ?” bati ko sa kanya . Inilapag ko sa sahig ang caged chameleon ko na pinangalanan kong Karma . Bakit Karma ? Ewan . Gusto ko lang para kagaya nung awit na Karma Chameleon .
Tumango lang si Karina . Nakatitig pa rin ito sa kawalan . Shit nasiraan na yata ng bait ang bestfriend ko .
“Oyy .” niyugyog ko ang balikat nya . Pinalis lang nito ang kamay ko at tumayo na .
“Bye Ice .” sabi nito at dumiretso na palabas . Hindi man lang nito isinarado ang pintuan ko . Adik na .
Nagtext si Royce na hindi daw sya makakapunta ngayon para sa lesson namin . Ayos . Makakapagpahinga ang mapurol kong utak .
Hinubad ko ang sneakers at medyas ko sabay tapon sa likod ng pintuan . Pumunta ako sa kitchen area at binuksan ang ref . Shit lang wala na pala akong stock na pagkain . Nakalimutan kong mag grocery kanina . Amph ! Tsk tinatamad na ako pumunta . Kaya lang uta na rin ako sa instant ramen . Tsk .
Bigla akong nakarinig ng malalakas na lagabog sa katapat na unit . Parang nagbabasag ng kung ano . Anon a naman kayang trip ni Chester ? Nagrerenovate ? Ayy ewan .
Isasarado ko n asana ang pintuan ko dahil nakalimutan kong isara kanina ng mapansin kong nakabukas ang pintuan ng cage ni Karma . At wala ito sa loob ! Hala nasaan nay un !
Sakto namang nagbukas ang pintuan ni Chester at humahangos ito palapit sa akin .
“W-wait ! Chester sagliiiittt !” pero wala na ako nagawa kasi sumiksik na naman sya sa kilikili ko .
YOU ARE READING
The Ice Breaker [COMPLETED]
Teen FictionFollow Ice , an easy-go-lucky boyish gal as she experience the ups and downs of love and life . *WARNING : If you don't want SPOILER ALERTS , DO NOT . . . I repeat , DO NOT READ THE COMMENTS .* :D
Chapter 8
Start from the beginning