Epilogue

13.5K 169 56
                                    

20 YEARS LATER


"Frank, are you sure you're not coming home yet?" Tanong saakin ni tita Jessy.

Nasa cemetery kami ngayon.

Twentieth death anniversary nina mommy Cassy at daddy France.

"Mauna na po kayo tita. Susunod nalang ako." Nakangiti kong sagot.

"Okay. We'll go ahead." Si tito Vince ang sumagot.

Tumango lang ako kay tito Vince at tinapik naman niya ang balikat ko.

Nagpakasal si tita Jessy at tito Vince nung nasa grade 5 ako kaya hindi pa rin napuputol ang koneksyon ko sa pamilya ni mommy Cassy.

Nang maramdaman kong wala na sila ay umupo ako.

Kaharap ko ngayon ang dalawang lapida.

"Mom, dad, am I that unworthy to have a family? I lost my real parents first. Then after a couple of years, I lost the both of you as well."

Pinunasan ko ang pumatak na luha.

Simula nang mailibing silang dalawa noong apat na taong gulang pa lang ako ay hindi na ako umiyak sa harap ng sino man.

Pinanindigan ko ang sinabi ni daddy France noon na pag 'big boy' na daw, hindi na daw dapat nagpapakita ng luha.

Nagpapasalamat ako kay tita Jessy at tito Vince dahil sila ang humalili sa namayapa ko ng mga magulang.

"I just got home from New York. I even visited mom and dad's graves there to say good bye." Sambit ko ulit.

Hindi ko alam kung naririnig ba nila ako o hindi pero alam kong gumagaan ang pakiramdam ko kapag kinakausap ko sila.

"Tomorrow, it will be announced to the whole industry that I will take charge of the company."

Ngumiti ako at hinaplos ang dalawang lapida na magkatabi.

"Do you think, I can make it?"

Pinunasan ko na naman ang luha ko na tumulo. Sa harap lang ng mga puntod nila ako umiiyak at sa lugar kung saan walang nakakakita saakin.

"Mommy Cassy, daddy France, I feel so alone even though tita Jessy and tito Vince are here."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"But I know that I have to face the real battle of life alone. I don't know why I'm still alive. Maybe a bastard orphan like me has still something to do on this world."

Tumayo ako ng maayos at nagpagpag ng suot ko.

"I guess I have to get myself ready for tomorrow's big event. I'll see you next time, mom and dad."

At naglakad na ako papunta sa kotse ko.

I'm Frank Mikhael Acosta Hawkins and I'm about to draw my card in the toughest game called LIFE.

--END--

[Author's Note: Read "Her Own Masterpiece" if you want to know how Frank plays the game of life. Thank you for reading "Love Beyond Eternity" :) ]

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Where stories live. Discover now