Chapter 16

8.6K 162 1
                                    

Mahaba ang naging byahe namin. Sabi ni kuya, more than 20 hours daw ang byahe namin from Manila to New York. 

Pagdating namin sa airport sa New York ay naisip ko agad na tawagan si France kaya kinuha ko ang cell phone ko sa bag. 

Natampal ko ang noo ko dahil lowbat pala ako. Tsk!

"What's wrong bunso?" Sabi ni kuya habang tinutulak ang cart na puno ng baggage namin. 

Si mama tahimik na umiiyak kaya kanina pa hinahagod ni papa ang likod niya. Si kuya naman hindi siya umiiyak pero halatang malungkot siya. Malungkot rin naman ako pero hindi kagaya ni mama at ni kuya.

"Lowbat ako. May tatawagan kasi akong importante eh." 

Sumasabay ako sakanya sa paglalakad. Nauuna si mama at papa saamin.

"Sa bahay mo na tawagan. You can't call him using your Philippine sim card," seryosong sabi ni kuya. Him daw. Paano nya kaya nalaman kung sino ang tatawagan ko? Ganun ba ako ka-obvious?

"Magta-taxi ba tayo kuya?" Sabi ko habang binabalik sa bag yung cellphone.

"No. Susunduin tayo ng driver nina tita." 

Tumango-tango nalang ako dahil nakalabas na kami ng airport. Mayaman ang napangasawa ni tita kaya hindi nakapagtatakang may driver sila. 

Maya-maya pa ay may pumarang magarang sasakyan sa harap namin tapos bumaba ang isang maputi at matangkad na lalake na may edad na. Nagbatian muna yung Amerikano at si kuya. Binati rin niya kami at ganun din kami saknya. 

Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan dahil nagluluksa ang bawat isa. 

Pero ako, iba ang nasa isip ko ngayon. 

Ano kaya ang ginagawa ni France ngayon? Alam na kaya niyang nasa New York ako? 

Hindi ako nakapagpaalam kahit kay Jessy kasi nga biglaan ang alis namin. 

Sana nagpunta siya sa bahay para masabi ni manang Rosita kung anong nangyari.

Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isang malaking gate. Nalula ako sa ganda at laki nung bahay na tumambad sa amin. 

Ang ganda! Ganito ba kayaman ang napangasawa ni tita?

"Ang ganda naman ng bahay kuya," bulong ko kay kuya na nakaupo sa front seat. Katabi ko si mama dito sa likod at nasa tabi naman niya si papa.

"What do you expect for a business tycoon's house?" Nakangiting sagot ni kuya pero hindi abot sa mata ang ngiting yun. 

Gusto kong sabihin sakanya na wag nalang siyang ngingiti dahil hindi ako sanay na ganun ang ngiti niya. 

Pero seryoso? Business tycoon ang asawa ni tita Rebecca? Woah!

"Wow!" yan lang ang tanging nasabi ko dahil tumigil na ang sasakyan sa harap mismo ng bahay.

Bumaba na si kuya kaya nagsibabaan na rin kami. Nang makapasok kami ay nalula ako sa sobrang ganda ng kabuuan ng bahay. Mula sahig hanggang sa hagdan hanggang sa dingding hanggang sa ceiling, halatang milyon-milyong dolyares ang halaga.

"Good evening Vince!" Lumapit ang isang maganda at maputing babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ni kuya. Pang–beauty queen ang tindig niya. Nakangiti siya pero hindi maitatago ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Good evening Stacy!" Sabi ni kuya at nag-beso sila nung babae. 

So siya si Stacy? Ang kaisa-isang anak ni tita Rebecca? Humarap agad saamin si Satcy at isa-isa kaming hinalikan sa pisngi.

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Where stories live. Discover now