Chapter 8

11.5K 184 2
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at pinagmamasdan ang sarili sa full length mirror. Maong shorts and maroon loose shirt lang ang suot ko then tenernuhan ko ng maroon din na flipflops. Mahilig kasi ako na eterno ang kulay ng footwear ko sa kulay ng upper or lower garments na suot ko pero minsan depende din kung anong kulay ang bagay sa suot kong damit or dress. 


Anyway, malapit na akong matapos mag-prepare para sa appointment ko ngayong araw. Baka naiinip na kasi si Frank kakahintay saakin. Kaninang 10AM ay kinatok ako ni manang Rosita at sinabing hinahanap daw ako nung yaya sa kabilang bahay. Naalala ko naman agad si Frank at feeling ko ay pinapasundo niya na ako. 


Pinasabi ko namang magdo-doorbell nalang ako sakanila dahil hinndi pa ako prepared. So ayun nga, kumain muna ako ng almusal then naligo and ngayon ay kasalukuyan ng nagdo-doorbell sa kabilang bahay. Maagang umalis si kuya sa bahay kaya di ko na siya naabutan kanina nung bumaba ako.


"Good morning po", sabi agad ng yaya na nagbukas saakin. Tiningnan ko muna saglit ang yaya dahil hindi ko siya namukhaan. Hindi kasi siya yung yaya kagabi. Bayaan na nga. Masyado akong curious. 


"Morning", maikli kong sagot at tuluyan ng pumasok. 


Nang makapasok ako ay agad kong nakita yung yaya kagabi  kaya lumingon ako agad sa likod ko kung saan nakasunod yung yaya na nagbukas saakin ng gate.


"Good morning, ma'am", mabilis na bati nung yaya kagabi. 


"Wait. Bakit di ko siya nakita kahapon?" Di ko na kinaya ang mga katanungan ng chismosa kong isip kaya nagtanong ako agad dun sa yaya kagabi.


"Rest day niya po kasi kahapon ma'am. Siya po si manang Loni at ako naman po si Mylene", pagpapaliwanag agad nung yaya kagabi. 


Ah, so Mylene pala ang pangalan niya? Tantiya ko ay nasa mid-30's na siya samantalang nasa late 40's na si manang Loni. 


"Ah ganun po ba? Saan po si Frank?" Yan nalang nasabi ko. Si Frank naman kasi ang pinunta ko dito hindi para maki-chismis sakanila.


"Nasa playroom niya po. Sabi niya di ka na daw dadating kaya siya nalang mag-isa ang maglalaro", sabi ni ate Mylene. 


Si manang Loni ay nagpaalam na magluluto na daw siya ng tanghalian. Malapit na rin kasi mag 12pm. 


"Hala! Diba sabi ko susunod ako agad?" 

Kalerke naman. Matampuhin pala si Frank?


"Opo. Sinabi ko po sakanya kaya hinintay ka niya sa may pinto kanina pero nainip nung malapit na mangalahating oras eh hindi ka pa rin dumadating." 


Na-guilty naman ako bigla dahil kumain pa ako at naligo bago pumunta dito. Well, alangan namang pumunta ako dito na gutom at hindi naliligo? Eh di para naman akong pulubi nun. Tsss..


"Saan po ba yung playroom ni Frank?" 


Love Beyond Eternity [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें