Chapter 10

9.8K 172 4
                                    


Time flew so fast. Saturday na ngayon at dalawang tulog nalang ay papasok na ako sa trabaho. 


Nitong mga nakaraang araw ay palagi akong nasa bahay ni Mr. CEO para makipaglaro kay Frank and every night ay nag-uusap kami ni France sa terrace niya bago ako umuwi sa bahay. 


Kung anu-ano lang ang mga pinag-uusapan namin. About sa college life niya, tungkol sa family niya, about sa pagpapalaki niya kay Frank na sobrang nahirapan daw siya nung una, at kung anu-ano pa. 


Nagkwento rin ako ng about sa sarili ko tsaka sa college life ko. Nakwento ko rin sakanya na nag-tutor ako ng isang taon para malibang habang nagpapahinga. Pero ito yung hindi ko makakalimutan sa mga naging kwentuhan namin ni France:



[FLASHBACK]

"What made you fall in love with Kevin?" Nabigla ako sa biglaang tanong ni France dahil malayo ang tanong niya sa topic namin. 


"I don't know. Naramdaman ko nalang bigla na mahal ko siya", sabi ko kahit ayaw ko sanang sagutin ang tanong niya.


"I mean, is it his physical features or his attitude toward you or is it his intelligence? What exactly made you fall for him?"


Seryosong tanong ni France at alam kong hindi ko pwedeng dedmahin ang tanong na iyon kung ayaw kong masapak. Siyempre joke lang yung masasapak ako. Subukan lang niya! Hahaha.


"Kevin is as handsome as a prince that we usually see in fairy tales... I'm not exaggerating. He really is", sabi ko nang makita kong parang ayaw maniwala ni France sa sinabi ko.


"He is intelligent, generous, friendly, and talented", sabi ko pa habang nakangiti. 


Konti nalang talaga, makak-move on na ako kay Kevin. Hindi na kasi ako nahihirapang magkwento ng tungkol sakanya.


"Tss... What's his talent?" 


Narinig kong komento ni France. Nakikigaya naman 'to ng habit. Tss...


"He has a God-given voice. You will really fall in love once you hear him sing", sabi ko na may halong pang-aasar. 


Para kasing nararamdaman kong medyo naiirita si France sa mga papuri ko kay Kevin. Hindi ko alam kung bakit. Baka siguro gusto niya na siya lang ang magaling at bida.


"I'm better when I sing", bulong niya pero narinig ko pa rin. 


Para namang narinig niya na si Kevin na kumanta. 'Naku! Baka mahiya pati buhok mo sa ilong kapag narinig mong kumanta si Kevin.' Hahaha!


"Really? Sample naman diyan", pang-aasar ko. 


Hindi ko alam pero nage-enjoy talaga ako sa conversation namin kahit wala namang kwenta. 

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon