Chapter 12

8.5K 161 0
                                    


Speechless. 


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. 


Hawak ni France ang right hand ko gamit ang left hand niya habang karga niya sa kabilang kamay si Frank na tuwang-tuwa sa kinaroroonan namin. 


Kanina pa kami naghihilaan ni France dahil ayaw kong pumasok pero wala akong nagawa dahil umiyak si Frank nung sinabi kong uuwi nalang ako. 


Nandito ako ngayon sa lugar na isinusumpa ko. Oo, alam kong hindi na ako masyadong apektado pag naaalala ko si Kevin pero hindi ibig sabihin nun na tuluyan ko na siyang nakalimutan. Siyempre may kirot pa rin kahit hindi na kagaya nung dati. 


"I told you that I'll make you forget Kevin as soon as possible", seryosong sabi saakin ni France nung humarap siya saakin. 


Hindi kasi gumagalaw ang mga paa ko. Walang luha na pumapatak sa mga mata ko pero mabigat ang nararamdaman ko. 


Hindi maganda ang huli kong alaala sa lugar na 'to. 


Nasa Enchanted Kingdom kami ngayon. Sa lugar kung saan ako iniwan ni Kevin. Sa lugar kung saan ko unag natikman ang sakit ng kasawian sa pag-ibig.


"I'm not yet ready to be here", mahina kong sabi kay France na mahigpit na nakahawak sa kamay ko. 


"You have to. Kasama mo naman kami ni Frank kaya you have nothing to worry about." 


Kalmadong sabi na France na medyo nagpagaan ng pakiramdam ko.


"I don't want to remember the memories I had here", mahina kong sabi  kay France. 


Binitawan niya ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko.


"That's why I brought you here. I want to erase the bad memories and replace it with a good one. You can never let go of him if you're still holding on to the good and bad memories you shared. Let me do the job for you, Sandra. I know you can't just remove Kevin in your life that's why I'm here", puno ng sincerity ang sinabi ni France. 


Alam kong isang linggo ko palang siyang kilala pero bakit parang pakiramdam ko, matagal na naming kilala ang isa't isa? 


Bakit pakiramdam ko, matutulungan talaga niya akong tuluyan ng makalimutan si Kevin? 


"Uhm uhm", tumango-tango nalang ako. 


Nakita kong ngumiti siya at nang sulyapan ko ang bata na karga niya ay busy ang mata nito sa paglilibot ng kagandahan ng Enchanted Kingdom.


"Great! Let's go", masiglang sabi ni Frank at hinawakan ulit ang kamay ko para sabay kaming maglakad at tuluyan ng pasukin ang lugar na ito. 


Nung una naiilang pa akong ngumiti dahil hindi pa rin ako maka-get over na nandito ako ngayon sa EK pero nung makita ko kung gaano ka-enjoy si Frank, napagdesisyunan kong namnamin nalang ang mga sandaling kasama ko ang mag-tito na 'to.

Love Beyond Eternity [COMPLETED]Where stories live. Discover now