SA- Chapter 61

Magsimula sa umpisa
                                    

Hay! Nakakatuwa talaga 'tong crush kong 'to.

Nasabi na nga pala nya kung bakit sya cold dati... "Kung gusto mo talaga malaman... Nagseselos ako dun sa Ivan na yun..."

"Aaaaayyy! Kinikilig akooooo!"

"Ay! Baliw yata 'to." bulong ng kapatid ko.

"Narinig ko yun!" sigaw ko sa kanya.

"Uy. Si kuya Alvin daw, tumatawag sa telephone."

"Ha?"

"Tumatawag."

"Ha? Bakit nga kasi? At paano nya naman alam?"

"Binigay ni mama."

"Ah okay." inabot ko naman yung telephone, "Hello? Alvin?"

["Hinde."] sabi ng disguise voice nya. Yung pang-50 years old.

"Psh! Alam ko na yan noh."

["Oo na."]

"So... Bakit ka napatawag?"

["Di ka nagrereply."]

Napatingin nalang ako sa phone ko. Ohmaygoodness! What the heck?! 23 messages?!

"Sorry. Grabe sya makapag-message! Sayang load mo!"

["Ayos lang kung sayo ko naman gagamitin yun."]

"Grabe! Kala mo kikiligin ako sa mga ganyan-ganyan mo? Tigilan mo nga ako!"

["Oo na. Bye na ha? Kakain na kami ng dinner eh."]

"Sige. Bye!"

At binabaan ko na sya. Ang sweet na ewan 'tong lalaking 'to.

Kinabukasan lang ay sinundo na ako ni Alvin. Bumili kami ng fishball malapit lang sa kanila.

"Alam mo, mas masarap yan pag may sauce."

"Ayaw ko! Hindi ako mahilig sa maaanghang, di ko din gusto yung suka na may sibuyas, at ayaw ko din yung pink na sauce. Masarap na din 'to kahit walang sauce. Minsan kasi, dapat malaman at ma-appreciate ang simpleness ng isang bagay."

"Psh. Sabi mo eh."

Napangiti nalang ako. "Tara na?"

"Lika." sabi nya at nagsimula na paandarin yung bike nya.

Naglibot kami dun sa street nila, sa street namin, sa street ng isa ko pang lola, sa street na hindi malubak ang daan, sa street na may mga aso, at kung saan pang street yan sa subdivision.

Huminto kami sa kanto para bumili ng barbecue at hotdog. Bumili na din kami ng softdrinks at konting candy. Naupo kami dun at kumain.

"Masarap ba?"

Tumango nalang ako. Di ako makapagsalita eh. Linapit nya ang kamay nya sa labi ko.

"May dungis."

"Cute parin naman ako eh. Diba?"

"Hindi."

Napa-pout nalang ulit ako.

"Ang ganda mo parin." ngumiti lang sya.

Imbis na pagpapaluin ko 'tong lalaking 'to, namula at napangiti naman ako.

"Tch. Maniwala." nakangiti ko paring sabi at napa-irap, habang nakangiti.

"Yiee! Kinilig ka naman."

"Pweh! Ang bakla mo!" biro ko.

"Eh bakit crush mo?"

"Kapal!" natatawa kong sabi. #denypamore.

"Isang huling ride ngayong araw?" tanong nya.

"Hmmm... Sige."

Nagbike na kami. "Masrap ba ang hangin?" sigaw nya sa akin.

"Oo!" I shouted back.

"Bukas ulit?" tumingin sya sa akin. Tumango naman ako.

Nang matapos na kami ay hinatid na nya ako.

"Bye! Ingat! Nag-enjoy ako!"

"Bye Princess!" huminto sya at tumingin ulit sa akin at sinabing, "I Love You."
==========================
Hi guys! Sorry, hindi ganun ka-haba. Next time try ko. Atleast nakapag-update na ako ngayon. Yey? Yey!

Si Princess nasa pic, pouting. 😗

Thank you po! Labyu! 😍😘

Anyways... The next chapter is all about... 😱😈😵

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon