Chapter 10

13.4K 471 101
                                    

*****

L,

Thank you for the wonderful night, please accept this money  to start a new life.

                                                       M.

Paulit-ulit kong binabasa ang note
na iniwan sa akin ni mysterious lady,  tatlong taon na ang nakakaraan.

Malaki ang utang na loob ko sa
kanya, kung hindi dahil sa pera nya
ay hindi ako makaka alis sa dati
kong trabaho.

Sino ba naman ako para iwanan
nya ng 2 million pesos.

Labis labis ang pasasalamat ko sa
diyos dahil nag bigay sya ng isang
tao na makakatulong sa akin para makapag bagong buhay ako.

Kay Lexie ko lang sinabi ang tungkol
sa pera, hindi ko ito ginalaw dahil umaasa ako na mag papakita
sya ulit sa akin.

Pero nabigo ako, katulad din ng
pagkabigo ko na makitang muli
si Jessie.

Naka graduate na ako, pero kahit
isa sa kanila ay walang nag pakita, minsan nga naiisip ko na iisang tao lang sila.

Nakapag decide na ako na gamitin
na ang perang binigay sa akin ng Misteryosang babae.

Mahilig ako sa mga bulaklak kaya flower shop ang naisip kong gawing negosyo.

At dahil sa utang na loob ko doon
sa babae ay pinangalan ko itong.

"Mysterious Lady flower Shop"

Ginawa kong kanang kamay ang
bff kong si Lexie, sya ang katulong
ko para mapalago namin ang negosyong ito.

Kringg... Kringg... Kringg...

Tunog ng phone ang nakapag pa
balik sa akin sa malalim kong pag
iisip.

"Hello Mysterious lady flower Shop how can i help you."

"Ikaw ba si L?" Sabi sa kabilang
linya.

Kinabahan ako bigla, dahil sa club
ko lang ginagamit ang pangalang L. kinakabahan man ay sumagot parin ako.

"Sino to paano mong nalaman
ang pangalan ko?" Kinakabahan
kong tanong.

"May pupunta dyan na lalaki,
may iaabot sayo, puntahan mo
yung address na nakasulat sa
papel, hihintayin ka nya tonight
mga around 8:oo bye."

Ayun lang at ibinababa na nung lalaking kausap ko ang phone,
maya-maya lang ay may dumating
ng delivery man, may iniabot sa
akin na isang maliit na box.

Agad ko itong binuksan, Nakita ko
ang isang black blindfold at isang
susi at maliit na papel, naka sulat
doon ang isang address.

Yung takot na naramdaman ko
kanina ay napalitan ng tuwa.

Nag balik na sya, nag balik na ang misteryosang babae.

Pero bigla din akong nalungkot
at napa isip, naalala ko si Jessie, Kakausapin ko pa nga pala sya
bukas.

Sasabihin kong mahal ko sya
at huwag na nyang ituloy ang kasal.

Ipapaliwanag ko sa kanya yung
nangyari sa amin nung gabing pina
alis nya ako.

Mahal ko si Jessie, hindi nawala
yon kahit hanggang ngayon.

Makikipag kita ko kay mysterious
lady hindi dahil sa gusto kong
makipag make-out sa kanya.

My Dream Girl From The Window (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon