Chapter 2

9.7K 359 32
                                    

******

Excited akong magising tuwing
umaga, alam ko kasing
nakaabang na yung babaeng maganda at sitting pretty na
itong nakaupo habang umiinom
ng mainit na kape.

Bago 'ko buksan ang bintana
sinisiguro ko munang naka
pwesto na sya doon.

Paano ko alam?

Ofcourse sumisilip muna ako sa
maliit na butas na sinadya kong
lagyan para makita ko lang sya.

Alam ko, ako ang inaabangan nya, naging routine ko na ito sa umaga, bubuksan ko ang bintana at aayusin ko ang higaan ko.

Bubuksan ang mini speaker, haharap sa salamin at sasayaw
ng seductive dance habang nakapikit.

Bawat pag giling ko ay pinag bubuti ko, yung tipong dinadama ko ang bawat kanta at sa bawat pag giling ko, yung maganda
nyang mukha ang iniimagine
ko.

15 mins na ang pinaka matagal
at sa 15 mins na 'yon, sinisiguro kong ma sasatisfied sya bago
ako tumigil at isara
ang bintana.

Hindi pa ako kuntento doon,
sisilip pa ako sa butas, nakikita kong aalis na din sya at hihiga
na sa bed nya, yayakapin ang
unan at naka ngiting nakapikit.

Iniimagine siguro ako.

Hindi din lingid sa akin na nag
tra-trabaho sila sa club, kilos pa lang
ng mga kasama nya alam na alam
ko na.

Hindi naman ako ipinanganak kahapon, 5 to 6 pm nasa bahay nako, lagi lang akong nakasara kaya siguro hindi nila ko napapansin na nasa
loob na ng bahay.

Nakikita ko sila na aalis ng bandang 7:00 pm wala pa silang ayos non, sa gabi naman ay mga past 1 or 2 am na sila uuwi.

Mga lasing at mga naka makeup pa. Araw-araw at gabi-gabi ko syang binabantayan, hindi ko na nga na
namalayan na naging stalker na nya ako.

Nag tataka lang ako sa kanya, bakit kailangan nyang mag trabaho sa
ganon klaseng lugar, napakadami namang pwedeng pasukan.

Bakit kailangan pang sa club? gusto
ko syang makilala ng lubusan alamin yung ibang side nya, kaya lang ay walang pag kakataon, or perfect moment para sa amin.

Ako lang mag isa dito sa bahay.
bahay ito ng yaya ko simula pag
ka bata ko, ngayon collage na ako
ay nag desisyon akong ma muhay
mag isa dito sa maynila.

Pinagamit ni yaya ang bahay nya
sa akin, kesa umupa pa daw ako.
nag sosolo lang sya sa buhay kaya
ni isang kamag anak ay wala sya.

Hindi na din sya lumuluwas ng
maynila, at doon na talaga nag stay
sa bahay namin sa probinsya.

Nung una ay nahirapan akong mapapayag ang papa ko, delikado
daw ang mga tao sa maynila, baka
daw mapahamak ako pero dahil
nakita nya na pursigido ako
pumayag na din sya.

Gusto ko rin namang maranasan
ma muhay mag isa sa maynila,
at kahit tutol si kuya Francis sa desisyon ni papa wala na din syang nagawa, sa huli ako parin ang nanalo.

Mas pinili kong hindi gumamit
ng sasakyan, pero may mga Atm's
ako at mga credit card's na pwede
kong gamitin kahit kelan ko gusto.

Namuhay ako ng simple, malayong-malayo sa nakasanayan kong buhay
sa lugar namin.

Si papa lang naman ang nag mamay
ari ng halos lahat ng lupain sa lugar
namin, mga sakahan, taniman ng
mga prutas na pang export sa ibat ibang bansa.

Mayroon na din kaming 3 malls at
5 buildings si kuya Francis ang nag hahandle ng lahat ng yon, at kapag naka graduate na ako dalawa na kaming mag ha-handle.

Ako nga pala si Francesca Jessie Tamayo.

Anak ng isang haciendero, ito ang aking kwento.

Anak ng isang haciendero, ito ang aking kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


---------------------------------------------

Dont forget to vote, comments or kindly pm me :)

Thanks ;)

"its4UtofindOut"

My Dream Girl From The Window (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon