Chapter 7

8.9K 344 27
                                    

******

"L... mag ready ka, hindi ka na pwedeng i table naka book ka na."

Halos lahat kami sabay-sabay na napatingin sa pinto kung saan naka pwesto si mamu.

Napatigil pa kami sa pag aayos sa
mga mukha namin dahil parang nasa cloud 9 kung titignan mo itong si mamu.

"Mamu baka katulad na naman yan
ni Taching ha, kakagaling lang ng mga pasa ko."

Humarap na ulit ako sa salamin para ipag patuloy yung naudlot kong pag aayos.

"Kakaiba ito L galante, tsaka hindi
ka sa cheep na motel makikipag doo, sa isang mamahaling Hotel lang naman,"

Sabi pa nito na parang sya yung
excited na excited sa aming dalawa.

Baka pogi yung customer ko.

"Wow L ikaw na talaga ang
indemand ha." Tukso naman ni Lexie

"Sige po mamu, patingin po ng Hotel address,"

Agad naman inabot ni mamu ang
isang papel, nakasulat doon ang
room number kasama na din yung 
card para makapasok ako sa kwarto.

"Manila Hotel, bigtime to mamu ah!" 

Hindi ko napigilang sabihin,
ngayon lang kasi may nag dala sa
akin sa Hotel na yon kahit pa sabihing mayayaman din naman ang mga naging customer ko.

"Bigtime talaga L ginawang 40k ang bayad dito sa club, binigyan pa nga ako ng tip na 5k," tuwang tuwang sabi nito.

Kaya naman pala masaya si mamu nagka tip ng 5k.

Pero parang kinabahan ako bigla.

"May request yan mamu? Sabihin
mo na." Pamimilit ko dito.

Hindi naman kasi mag bibigay ng ganon kalaking tip ang isang tao kung wala itong ipapagawa.

"Oo L bago ka daw pumasok sa loob ng kwarto dapat isuot mo daw to', private daw kasi syang tao," sabay abot nito sa akin ng black blindfold.

"Oo L bago ka daw pumasok sa loob ng kwarto dapat isuot mo daw to', private daw kasi syang tao," sabay abot nito sa akin ng black blindfold

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Parang nakahinga naman ako ng maluwag dahil ito lang pala yung
gusto nya, akala ko kasi kung ano na.

"Pa mysterious pa mamu?"

Kinuha ko na yon at ipinasok na sa loob ng shoulder bag ko. Tumingin muna ko sa salamin bago nag paalam sa mga kaibigan ko.

"Galingan mo L, para bigyan ka din ng malaking tip," sigaw pa ni Mamu.


******

My Dream Girl From The Window (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon