Chapter 9

8.3K 328 30
                                    

******

"Kuya ako ng bahala sa mga
flowers na gagamitin sa aisle,
pero yung bouquet ni ate Step
sya ng bahala don, pwede
naman isunod yon," sabi ko kay
kuya

"Yes bunso kaya nga sayo ko
pinagkakatiwala ang mga flowers alam kong hindi mo kami bibiguin
ng ate mo," Ginulo-gulo pa nito ang mahaba kong buhok.

"Kuya naman hindi na ko bata,
bakit lagi mong ginagawa sa akin
yan my god," maarte kong sabi.

"Na miss lang kita bunso, kung
hindi pa ako ikakasal hindi ka
babalik dito sa pilipinas, nag
tatampo na kami ni papa sayo."

"Kuya alam mo naman ang
reason diba?"

"For good ka naba dito or babalik
ka din sa US?"

"Bahala na kuya, madami lang
akong alaala dito,"

"May kapalit naba sya dyan sa
puso mo?"

Gusto kong matawa dahil sa naging itsura ni kuya after nya sabihin yon.

"Ang cheesy mo kuya, huwag ka
nga dyan, mag aasawa kalang
naging corny kana." Biro ko dito.

"Ah ganon ha, corny pala ko ha,
halika nga dito."

Nagawa ko pang makatakbo pero nahabol din nya ako, nahawakan,
nya ako sa braso at kiniliti ng kiniliti.

"Kuya stop na, kuya stop na hahaha"

Naiiyak ako pero hindi ko alam
kung bakit, biglang tumigil si kuya
sa ginagawa nya, napansin siguro
na umiiyak na nga ako.

"Bunso i'm sorry hindi sinasadya
ni kuya,"

Doon na bumuhos ng tuluyan yung
luha ko, sure na ako na hindi yon
dahil sa pagkiliti sakin ni kuya.

"Kuya kahit anong gawin ko sya
parin ang mahal ko, kahit na
sinong maka relasyon ko sya parin ang hinahanap ko, may mali ba sa akin kuya? halos3 taon na eh!
bakit sya parin ang nandito."
Turo ko pa sa dibdib ko.

"Sshhh tahan na bunso, ganyan
talaga ang love hindi mo mapipilit yan kung sino at ano pa man ang mamahalin mo, hanapin mo sya bunso, mag usap kayo sabihin mo lahat sa kanya."

"Kuya natatakot akong ma reject
na naman, katulad ng ginawa
nya sa akin nung birthday ko."
This time ay niyakap ko na si kuya.

"Mag hired tayo ng private
detective matapos lang to'ng
kasal ko ha bunso, promise mo
sa kin na susundin mo na si kuya,"

"Yes kuya promise yan" sabi ko habang humihikbi pa.

"Huwag ka ng umiyak nawawala
ang ganda ng bunso ko, ito nga
pala yung calling card nung flower shop na nag arrange sa wedding ni kuya Harry." Tuloy abot nya sa akin ng maliit na card.

"Mysterious lady flower shop,
strange name hmm." Sabi ko na
nag paangat pa ng isang kilay ko.

"Yeah nung nabasa ko nga yan,
na curious din ako bigla, tsaka
sabi ni kuya Harry ang gorgeous
daw ng may ari ng flower shop,
and take note single pa." Kumindat
pa si kuya habang sinasabi yon.

My Dream Girl From The Window (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon