Chapter 70

2.9K 156 11
                                    


Dinalhan ni Erik si Errol ng mga damit na masusuot palabas sa hospital. Hinubad ni Errol ang maluwang na kasuotang karaniwang sinusuot ng mga pasyente. Nahihiya siyang makita ni Erik ang kanyang kaselanan kaya tinatakpan niya ito habang inaangat ni Erik ang salawal paitaas sa kanyang hita.

"Alisin mo na 'yang kamay mo diyan."

"Eh, kasi..." Nakatakip pa rin ang kamay ni Errol sa bahaging iyon.

Ngumisi lang si Erik. "Nahiya ka pa. May ganyan din naman ako." Tumawa ng payak si Erik at nilapit ang bibig sa tenga ng pasyente.

Uminit ang pisngi ni Errol. "Patingin nga?"

"Mabilis lang ha." Niluwagan niya ang kanyang belt at binuksan ang pantalon, pero pinigilan ito ni Errol.

"Uy, biro lang!" Umiwas siya ng tingin habang tinataas ang briefs na isinuot sa kanya ni Erik.

Tila naasiwang tumawa si Erik habang sinasarhan ang pantalon at binabalik ang sinturon.

Sinuot naman ni Errol ang kanyang t-shirt habang inaalalayan siya ng kaibigan na suotin ang kanyang maluwang na shorts. Hindi pa niya maigalaw ang kaliwang paa na nakabenda kaya naman ang kanang paa lang ang pwedeng suotan ng sapatos. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa pagitan nila. Hindi makatingin si Errol sa kaibigan. Maya-maya pa ay nagsalita ito.

"Rol," mahinang saad ni Erik.

Tumingala si Errol, ngunit yumukong muli.

"May nangyari na ba sa inyo ni Ivan?"

Hindi niya alam kung bakit natanong iyon ni Erik. Marahan siyang umiling. Muli niyang tiningnan si Erik. "Ba't ka nakangiti?"

"Ibig sabihin pala ako magiging first time mo kung sakali."

Napahawak si Errol sa batok at yumuko habang ramdam niya ang pag-init ng mukha. "Nahawa ka rin ba sa pagkapilyo ni Ivan?" Natigilan siya nang haplusin ni Erik ang kanyang pisngi. Napapikit siya.

"May aaminin ako sa'yo."

Kinabahan si Errol sa lambing ng boses ni Erik. "A-Ano yun?"

"Wag ka magagalit ha."

"Ano nga kasi?" Hindi makatingin si Errol sa kausap.

"Alam mo minsan iniimagine kita kapag nag..."

"Nag?"

Lumapit si Erik sa kanya at bumulong. "Kapag nag-aano ako."

"Ano'ng nag-aano?"

"Yung naggaganito." Ginalaw ni Erik ang isang kamay sa harap ng kanyang pundilyo na animo'y nagsasarili.

Napadiin ang hawak ni Errol sa kumot sa higaan. "Loko-loko ka ha. Pinagnanasaan mo din pala ako. Para ka ring si Ivan."

"Iba ako sa kanya."

"Hiyang-hiya naman ako sa mga girls na niligawan ninyo."

"Alam mo kasi, Rol, cute ka."

Umismid lang si Errol.

"Yung itsura mo kasi para kang poging lalaki na magandang babae."

"Ano?" kunot-noong tanong niya.

"Basta cute ka." Kinurot ni Erik ang pisngi ni Errol. "Gusto mo ba ligawan kita?"

Bumilis ang tibok ng puso ni Errol. "Erik, di ba nga..."

Tumango ang kausap. "Oo na. Pero bestpren mo pa rin ako ha."

Inabot ni Erik ang mga saklay ng binata at inalalayan ito sa pagtayo mula sa pagkakaupo sa kama. "Dahan-dahan lang."

"Nasa'n si Kuya Bryan?" Naninibago si Errol sa paghakbang gamit ang mga saklay.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagWhere stories live. Discover now