Chapter 38 - The Ice Queen vs The Dark Sorceress

3K 137 22
                                    


Nang makabalik sa opisina sa Makati ay malungkot na nanatili si Cindy sa kanyang opisina hanggang sumapit ang dapit-hapon. Tumungo siya sa restroom upang umihi at magpaganda. Tiningnan ni Cindy ang sariling repleksiyon. Humaba na ang buhok niya na kanyang sinuklay. Naglagay siya ng mascara sa kanyang mga talukap. Naglagay din siya ng kaunting eye shadow. Nilagyan din niya ng kaunting kulay ang kanyang mga pisngi. Nilapatan niya ng pink lipstick ang mga labi. Ngumiti siya sa nakitang repleksiyon. Kahit sa mga nangyayaring hindi maganda, ay kailangan pa ring magpaganda. Inayos niya ang kanyang suot.

"Someone's going out on a date tonight."

Nilingon ni Cindy ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. "Miss Sandy, I didn't see you come in."

"Of course," sarkastikong saad ng babaeng nakaitim na long sleeves at slacks. Humarap din ito sa salamin.

"Is there any problem, Miss?" tanong ni Cindy.

"Is there?" Ngumiti si Sandy.

Nabwisit na si Cindy sa pagiging sarkastiko ng boss. "I heard masama na ang lagay ng kompanya."

"So you heard. From who?"

"Our accountants."

"Oh, I remember you're friends with everyone."

"Miss, are you all right?"

"Am I?" Matalim ang mga sulyap ni Sandy kay Cindy.

"Don't get me wrong. I'm just concerned. What I'm saying is if you need anything, you can always ask us."

"Sure."

Hindi nagpatinag si Cindy sa matalim na titig ng boss. "Anyway, Miss, I have to go." Ngunit naramdaman niyang hinawakan ni Sandy ang kanyang bisig. Nang lingunin niya ito, andoon pa ang matalim nitong titig.

"Go where, Ms. Gatchalian? Nag-uusap pa tayo."

"Miss, it's 30 minutes past my work schedule."

"I know. Pero gusto kitang makausap. Are you in a hurry?"

"May naghihintay kasi sa akin, Miss. Importante ba ang sasabihin ninyo?"

"I'm afraid, yes," Ngumiti si Sandy.

"Maybe we should go to your office then?" Nagtataka si Cindy sa inaakto ng boss. May nararamdaman siyang hindi maganda sa patutunguhan ng kanilang pag-uusap.

"No. This place looks fine for our little chitchat, don't you think?"

"I don't get it." Kinabahan si Cindy.

"You don't? Let me try." Ngumisi si Sandy. "How's dad?"

Nagulat siya, nagtataka kung paano nalaman ng kaharap ang tungkol sa pagkikita nila ni Don Mariano nang lihim. Ibig sabihin nagmamanman ang babaeng kaharap sa kanila. Nagdadalawang-isip siya kung magkakaila o aamin. Pakikiramdaman niya muna ang kaharap. "What do you mean?" Sumimangot siya. "Of course, I don't know."

"You don't know? I'll ask you again." Humarap si Sandy kay Cindy at matalim itong tiningnan. "How is dad?"

"I don't know what you're talking about." Tinaasan ni Cindy ang boses. "This is ridiculous! Aalis na ako, Miss."

Hinawakan ulit ni Sandy ang dalaga. "I said you're not going anywhere." Pinandilatan siya nito.

"Bitiwan mo ako, Miss Sandy! You have no right to keep me here!"

"Sure!" Binitiwan ni Sandy ang kamay ni Cindy at inangat ang kanyang mga bisig at ngumisi. "Why so jumpy?"

"I don't know what you're doing," saad ni Cindy na matalim na ring tiningnan ang boss.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagWhere stories live. Discover now