Chapter 32

2.6K 121 3
                                    

Napatigil si Cassandra sa pagmamaneho nang makaramdam ng biglang pagsakit ng ulo. Hindi pa siya nakakalabas sa parking lot ng gusali. Kakaiba ang sakit ng ulo na ito. Hindi pangkaraniwan. Tila may mga matutulis na bagay na tumutusok sa loob ng kanyang bungo. Animo'y kinakalkal ang kanyang utak.

Habang napapadaing na nakahawak sa kanyang magkabilang sentido ay biglang lumitaw sa harap niya ang mga imahe ng dwelo nila ni Melchor sa ibabaw ng naturang gusali. Hindi man lubusang naiintindihan ang nagaganap ay batid niyang may kakaibang presensiyang dumapo sa kanyang diwa. Bumilis ang kanyang paghinga. Kung anumang pwersa ito ay hindi siya magpapagapi dito. "Anong salamangka na naman ito, tanda!"

Sumigaw ang bruha, at kasabay ng sigaw na iyon ay ang pag-itim ng kanyang mga mata. Napahawak siya nang mahigpit sa manibela hanggang unti-unting nawala ang sakit sa loob ng kanyang ulo. Maya-maya pa ay kumalma na ang pinagpawisang babae. Ngumisi ito at umiling. "Hindi mo ako madadaan sa ganito, tiyo. Malapit ka na."

Matalim ang tinging ginawad ng babae sa kawalan. Napalingon ito sa katok sa kanyang bintana. Binaba niya ito.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ng gwardiya na sinusuri ang loob ng sasakyan.

"I'm fine. Just had a bout of migraine." Hindi ito tiningnan ni Cassandra.

"Okay po, ma'am."

Hindi na sumagot ang babae at pinaharurot ang kotse.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon