Sana Gumaling Ka Na :)

56 0 0
                                    

September 2012, pinacheck up ka ni tita kasi daw nagpapale ka, pumapayat, mabilis mapagod at laging nagkakapasa. 

Pinatest ni tita ang dugo mo, at yun na nga yung dating anemia mo, lumala. Sabi daw ng doctor kailangan mong magpabloodtransfusion kasi hindi sapat yung mga vitamins na iniinom mo. Sabi ko kay tita, kahit ako nalang donor mo, pero hindi daw pwede at baka hindi daw kita katype. 

           Naghanap si tita at amging si mama ng donor, kasi daw ayaw mo ng mga naka stock na dugo. Kaya ayun nga, naghanap siya, tapos meron tung pinsan mo na willing magdonate kasi daw favorite ka niyang pinsan at bunso din at the same time. 

Ang saya ko nun kasi masasalinan ka na ng dugo, pero after ng mga ilang buwan paulit ulit lang ang nangyayari, akala ko okay na lahat. Yun pala hindi pa, kailangan palang continous ang paagsalin sayo ng dugo, kung hindi manghihina ka.

Halos every month ka na nga ata sinasalinan e. Minsan nasasabi ko sa sari ko, pwede naman ako yung magkasakit kung bakit kasi ikaw pa. Na andami naming pwedeng magkasakit dyan, bakit ikaw pa. Tapos ang  lagi mong sinasabi kapag nakasimangot ako na tinitignan ka, “Life is short, cherish it” tapos saka ka ngingiti.. Alam kong nahihirapan ka, na pinipilit mo lang ngumiti, para masabing okay ka. Hay, sana gumaling ka na.

MUST READ ! (KUYAKO)Where stories live. Discover now