Bestfriend mo lang naman ako :(

30 0 0
                                    

Pumunta tayo sa Vena ngayon,  tumugtog tayo. Pero pagkatapos nun hinatid din kita agad kasi alam kong masama ang pakiramdam mo. Pagkahatid ko sayo hinintay lang kitang makatulog, saka ako bumalik sa vena, naabutan ko pa dun sina Epi, Justin at Macoy.

  Nagkakwentuhan, nagkatripan, nagkainuman hanggang sa dumating sa punto na nag aya si epi ng openforum, pagpapakilala daw ng babaeng gusto o mahal.

 So nauna si Justin, Epi at macoy. Nagulat ako nung pinakita ni Macoy, at justin ang litarato mo. So nung turn ko na, ang ginawa ko nilabas ko yung wallet ko, sabi ko

 “She’s been with me for almost 4years straight now. She’s a childhood friend and my first love.”

Tinawanan lang nila ako tapos sabi ni Justin ang korni ko daw, hanggang sa pinakita ko yung litrato mo. Tumayo si macoy, tinulak niya ko at naghamon ng away. Nagkainitan kaming tatlo ni Epi at Macoy, sinuntok ako ni Macoy, at ganun din ako. Nayabangan ako sakanila. Medyo nagdilim ang paningin ko kaya hindi ko nakontrol ang sarili ko, pinatuan ko silang dalawa.

Umaawat noon si Justin, pero pati siya nasuntok hanggang sa dumating sina tito Fred na umawat. Kinabukasan pumunta ako sa bahay niyo, nasa terrace palang ako nakita mo na agad pasa ko sa mukha, sabi mo

“Leche, nakipagbasag ulo ka noh? Asan na? resbakan ko.” Ngumiti lang ako sayo na parang walang nangyari pero sa loob ko natatakot ako na kapag sinabi ko sayo ay balikan mo si Macoy, o kaya naman mainlove ka kay Epi tapos mapagiiwanan nanaman ako. E kasi ano lang ba naman ako kumpara sakanila? E ako lang naman si Miguel na bestfriend mo. :(

MUST READ ! (KUYAKO)Where stories live. Discover now