"Anong nangyari sa inyong tatlo?" tanong ni Kuya Nik. Natahimik kaming tatlo, should I tell them the real reason?

Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko na mukhang walang balak magpaliwanag. Great! Mukhang ako na naman ang masisisi nito.


"It's because of the boobs" mahinang sabi ko.


"Florence!" sigaw sa akin ni Camilla at Aira.


"What?" sabay sabay na tanong ni Gio, Kuya Nik at Jare.


"I mean nawalan lang ng control sa pagmamaneho si Camilla. We're fine okay? Pwede na nga kaming lumabas ngayon, bakit kailangan pa naming iadmit?" masyado lang talagang OA ang mga tao dito.


"Dapat ay hindi na kayong tatlo pinababayaang magsama sama" sabat naman ni Jare na agad na ikinaangal naming tatlo.


"That's not a good idea Jare, aksidente ang nangyari. Bakit may paghihiwalay na ang drama?" maarteng sabi ni Camilla.


"Tsss, ewan ko na sa inyo" ipinagpatuloy na lang ni Jare ang pagtatalop ng mansanas. Binalingan ko na si Kuya Nik, sa pagkakatanda ko ay abala ang isang ito para sa birthday ng kambal bukas.


"Why are you here Kuya Nik? I'm fine, alam kong abala ka sa birthday ng kambal para bukas"


"Ako na lang ang magbabantay sa kanya, isama mo na ang kambal na 'yan. Baka gumawa pa ang mga 'yan ng sakit sa ulo" sabat naman ni Gio. Kitang kita ko ang pag aalinlangan sa mukha ni Kuya Nik.


"Ano ba Kuya? Wag kang paranoid, ayos na talaga ako. Baka mamaya ay papakiusapan ko na ang doctor kung pwede na akong lumabas. I can't missed my nephews birthday party" sabay kong kinurot ang pisngi ng kambal na parehas mga nakatungo sa kanilang mga gadgets


"Okay then, ikaw na ang bahala kay Florence Gio" tumango lang si Gio kay Kuya Nik.


"Pagaling ka Tita Florence..." kumaway pa sa akin si Tyrone. Mabilis namang humalik sa aking pisngi si Trevor.


"We'll be waiting for you Tita, ikaw ang muse namin bukas" ngumisi lang ako sa sinabi ni Trevor. Nang makalabas na sina Kuya Nik ay agad na nagsalita si Camilla.


"Ang sweet ng dalawang batang 'yon. Alam na ang paroroonan nila pag mga nagbinata na sila... siguradong madami silang paluluhaing babae"


"Sinabi mo pa.." pag sang ayon ko.


"Florence, aalis na ako. Sinabi ko lang kay Nicholas na ako ang magbabantay sayo para umalis na siya. Ayos ka na naman diba?"  akala ko worried talaga ang isang ito.


"Sige, sige na. Baka umuwi na rin naman ako mamaya" sagot ko sa kanya.


"Good then"maiksing sagot niya sa akin.

Nang makalabas na si Gio ng kwarto namin ay lumipas lang ang ilang minuto bago nagpakita si Ashong na may napakaraming prutas na dala.

Back In His Arms Again (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon