CHAPTER 44

2.1K 120 5
                                    

CHAPTER 44

Olaf Povs:

" Ano? Sinong mortal nagpakalat ng videong yan at mapapatay ko."Gigil kong sabi..

" Hahaha ! Olaf anung feeling? " Tangana tung asul na paniki kung makatawa kala nakakatuwa.

" Eh di, I feel good hahah !" Sabat naman ni Blaze.Mga gago talaga, imbes tulungan ako ey pinagtatawanan lang.

" Hoy ! Tigilan niyo nga ako baka kayo ang basagan ko ng mukha." Singit ko.

" Hahahaha ! Ang kyut nyo kayang panuorin Olaf. Para kayong nasa shooting lang aba.Tipong sinagot kana nya sa panliligaw mo. At unfairness huh ? Ang dami mong fans. Siguro isa kang sikat na artista sa movie na tuh nuh ? "

" Ulol. Kahit kelan walang eksenang mangyayari sa buhay ko between that flat girl." Sabat ko..

" Flat? You mean nakapa mo na Olaf ? Hahahaha ! O--Ouuuchhh ! "Mabilis kong binato ng sapatos ko. Naknaman kasi ng mga flat. Bakit ko pa ba kasi gun nasabi. Arrrg nakakainis na talaga. Sarap patayin yung babaeng yung panira ng mode ko lagi ii..

" Anung nakapa? Swerte naman niya. Isa pa, mga bulag ba kayo? Kita niyo naman siguro na walang kakurba kurba yung katawan niya, ni boobs, pwet ey wala. Now, tell me? Anung kakapain ko dun? Buong pader naman yun." Napapailing ko nalang sagot Kay Blue sabay Alis. Mga hunghang yun kasama ii. Imbes matulungan ka sa problematic ii lalala lang dahil sa mga pag iisip ng mga yun na wala ring kakurba kurba.

Tin Povs:

" What? Okay. Okay. " Dali dali Kong ibinaba ang linya mula Kay Erol, ( he's one of my classmates )Masamang bagyo tuh. Dali dali kong binuksan ang laptop ko, then sinearch ko sa YouTube. Tinatype ko palang,nanginginig nako, my heart was beating so fast.

Cliiick ! Loaaaadiiiinggg.. Then Bang !!!! 1,845,000 views na. In just 2 hours?Halos lumuwa pa ang dalwa kong mata sa nakita Kong CAPTION ..Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko.Nakakahiya.Halos lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan ko ngayon.Parang gusto ko tuloy syang sugurin sa planeta nya saka pagsasasaksakin ng nakatalikod. Manyak na yun ARRRRGGG !

"WAG NA WAG MAGTATAGPO ANG LANDAS NATIN BAKA KAHIT SA IMPYERNO EH HINDI KA TANGGAPIN DAHIL SA NAPAKAMANYAK MONG HAYOP KA"


Milka's Pov:

Bakit ganun ? Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto parang iba ang naramdaman ko. Parang may mali. May mali. May mali kay Zach nakikita ko sa mga mata nya. May problema kaya sya? Pero bakit ayaw ny----

"Ouch ! What the hell. Are you blind? "

Nagkauntugan kami sa noo. Papalabas kasi ako nang di ko sya napansing nasa may pintuan na pla sya, nakanganga este makakabanggaan ko na pla kaya ang ending kahit gusto kong umilag dahil baka magkapalit kami ng mukha .. Di na umabot. Pero ang ipinagtataka ko ? Buhay pa pala tu. Akala ko natuluyan ka na. Sayang. Hahah !

" Ay bampira pala? Sorry huh kala ko kasi tao ! "Sabi ko habang nakangiting napapahimas sa noo ko.Mamatay ka sa inggit sa ganda ko haha ! Saka hinawi ko ang buhok ko hahaha! Tatalikod na sana ako ng bigla nyang hinablot ang kanang braso ko.

" Tao ka nga talaga !" Sambit nya.

Napakunot noo ako. Ramdam ko yung pang gigigil nya saakin. Maging ang mga mata nyang nakatitig sakin ay napapansing ko ng nagbabagong kulay na ito.

"Wag mong ubusin ang pasensya ko mortal ! Kung tutuusin kaya kitang patayin ngayon sa pinakamaling paraan sa pinakamasakit na pakiramdam at sa isang mabilisang iglap lang. Magpasalamat ka na lang dahil hanggang ngayon maswerte ka pa ding nabubuhay sa likod ng aninong handang ibuwis ang buhay mailihis ka lamang sa kapalarang matagal ng naghihintay sayo. Pero binabalaan pa din kita. Lumayo ka na hanggat maaga pa bago mahuli ang lahat at pagsisisihan mo pa habang buhay. Wag kang maging makasarili. Dahil hindi mo magugustuhan pagnagkataon ang mangyayari. Mortal ka lang wala kang kayang gawin. Walang wala. Tandaan mo yan."

The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon