CHAPTER 8

4.6K 234 1
                                    

Juice ko po. Anong gagawin ko? Tulog mantika pa tung bampirang tuh. Saka ko pinasadahan ng tingin ang lalaking nakahiga sa kama. Eh ano kaya kung gisingin ko na lang kaya? Eh- Gisingin ko ba? Wag na kaya . Pero kesa naman pasukin kami ng masasamang tao at patayin at isama ang kaluluwa ko nung multo.Wahhhh---Oo tama ang gagawin mo. Gisingin mo na siya baka matuluyang bangungutin bilis. Gisingin mo sya ng magamit at magkasilbi naman yang pagiging bampira nya..

Tatayo na sana ako ng mapatingin ulit ako sa doorknob ng pinto sa lakas ng kaluskos nito. Lagot ! Mabubuksan na niya yung pintuan. Anong gagawin ko? Magtalukbong kaya ako ng kumot? Magtulog tulugan? Magtago sa ilalim ng kama? O sabihing dalhin na niya lahat ng gusto niyang dalhin wag lang akong saktan.

Naman kasi bakit tulog manti-----Holo ! San na napunta yung bampirang yun? Wala na sa kama. Di kaya kinuha na ni Lord? Nako-imposible naman. Di sa langit napupunta ang bampira e. Pero san na siya?

Nang biglang mahagip ng paningin ko si Zach sa may pintuan at laking gulat ko nalang ng nakalutang na ang isang lalaking nakasuot ng jacket na may hood at naka mask habang sakal sakal sa leeg ni zach. Ang cool nya. Pero bigla akong kinilabutin sa boses nya ng magsalita ito.

" What are you doing here?"Tiim bagang sabi ni Zach na halatang halatang galit sa lalaking kaharap nya at sinasakal nya.

" A—ackk-ackkk si.. " Halos di makapag salita ang lalaki sa higpit ng pagkakasakal nito sa kanya ni Zach.Dahan dahan naman akong lumapit sa kanila para sana pakalmahin si Bampira,

"Oy ! Try mo kaya syang bitawan ng makasagot sya say----"

" Shut off" Sigaw niya sabay tingin sakin na ikinagulat ko ng makita ko ulit ang unti unting pagbabagong kulay ng kanyang mga mata. Ang maitim na mata ay nababalutan na ngayon ng pulang pulang kulay, kasing kulay ng dugo. Halos mapaigtad pa ako ng bumungad ang mga mahahaba't matutulis na naman niyang pangil. Napaatras ako.

" A..e..i..o----" Saad ko habang di ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang takot. Yung itsura niya ibang iba na ngayon kesa kanina. Ang lalaki kaninang laging naka smirk, nakakunot ang noo, suplado, masungit at tahimik ay nababalot na ngayon ng isang katakot takot na nilalang sa harapan ko Na may mapulang LAB--este mata at may matutulis at mahahabang---ngipin na.

" Tell me. Siya ba ang nag utos sayong gawin ito? Sumagot ka kung ayaw mong dugo mo mismo ang dumanak ngayo." Nanggigigil na sa galit na saad ni Zach.

Sino kaya ang tinutukoy ni Zach na nag utos? May fans club kaya sya na gustong gusto syang kidnapin para makuha ang kanyang----wahhh ops my mouth. May utang kaya siya na di nya nabayaran? Pero imposible naman. Sa laki ng bahay na tu tsak malaking kayamanan ang meron sa lalaking tuh. Di kaya? May kaaway sya na gusto syang patayin?

Nahhhh---tama na ang panghuhula mo Milka. Wag naman sana mangyari yun dahil pati ako madadamay.

Napansin kong dumudugo na din yung leeg nung lalaki kung saan dun nakabaon ang mahahabang kuko ni Zach.Nakakatakot. Parang ayoko na tuloy syang asarin. Baka magalit at gawin nya din yun sakin masakit sigurado masakal habang may nakabaong kuko sa lee ko. Saka ako napahimas sa leeg ko. Pero nakakaawa naman na kasi yung lalaki ii.

" Ah—Za--zach ? Nasasaktan mo na yata sya bitawan mo na kay------"

Nang biglang may tumilapon. Sobrang bilis ng pangyayari parang kidlat lang na tumama at nawala agad. Napapalingon ako sa mga naririnig ko para bang may hanging dumaan sa tenga ko at may kung anong bagay na tumatama sa pader na naging dahilan ng malakas na kalabog nito.

Nagulat ako ng makita kong may isang nakahandusay ng lalaki dun sa pader malapit sa kama.

Nagpabalik balik ako ng tingin kay Zach. At nakita kong binitawan nya na din yung lalaki, pero wala na tung malay.

"Da..dalwa si--sila?"

Tanong ko kay Zach na nuon nakasandal sa pintuan, habang kitang kita kong may dugong kumapit sa kuko nito.

" Ang ingay mo."

"Parang nagtatanung lang ii." Sabi ko ng nakanguso.

" Ikaw ba'y marunong talagang magbilang? Nakita mo namang dalawa, nagtatanong ka pa. Bobo lang?"

"Sungit. Nagtanung lang bobo na agad ?" Bulong ko.

"Tulungan mo kong mailabas tung mga tuh."

Saka ako tinalikuran, at itinayo ang lalaking nakahandusay sa may pintuan.Napakunot noo naman ako ng sinyasan nya akong buhatin ko yung nasa may pader na isang lalaki. Nagpapatawa ba siya? Ang laki ng baboy esteng taong tut as ako ang mag bubuhat? Bay mag isa ka. Saka ko siya inirapan at linabasan sa kwarto.

The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon