CHAPTER 19

3.2K 190 2
                                    

Zach Pov:

Tsk. Ang tagal naman ng doktor na yun. Mamaya may gawin pa kay milka yun ii.Habang naghihintay ako.Biglang may mga sira ulong dumating..

"Zach ? Anong nangyari ?" Dwight.

"Lumabas na ba ??" Blue.

"Hindi pa. Nasa loob pa din."

"Tsk. Sa tingin niyo babae o lalaki ?? Sana lalaki para kamukha ko at ninong na din ako hehe." Leaf.

Lahat kami napatingin kay leaf ng nakakunot ang mga noo.Lalong lalo na ako.

"Oy Leaf ! Baka gusto mong sapatusin kita?" BLUE.

"Kaya mo? Eh kulang na nga lang dyan sa sapatos mo ay di padapuan ng alikabok at langaw sa sobrang pag iingat mo diyan haha !Ang ihampas pa kaya sa mukha ko ? Eh sa sobrang kapal ng mukha ko baka masira yan hahaha."Lahat kami natahimik habang sya tawa ng tawa.Puro talaga kalokohan tuh ii. Kung ano anong pinagsasasabi ng kolokoy na tuh. Napahinto lang sya sa kabaliwan nya ng mapansin nyang seryoso kaming nakatingin na sa kanya.

"Hahaha ! Kalma OY ! Di ba pwedeng maging stress reliver yung joke ko ? Grabe kasi kayo-----Ouch ! Zach naman. Nakakaraming batok ka na sakin. Mamaya di na ako pumasa sa exam."Reklamo nya.

"Yang bunganga mo kasi itikom mo.Kaya nagagalit sayo ang kamahalan ii." Rookie.

"Tama na yan. Kumusta na sya Zach?" Artgem.

" Nasa loob pa yung Dokt------"Di na natapos pa ang sasabihin ko ng lumabas na sa kwarto ang doktor.

"Sinong kamag-anak ng pasyen----" Doktor.

"Kami ho------Ayy Siya po pala. Siya ang asawa ng pasyente Doc. Kaibigan lang kami niya." Sabay Sabay pang nagsalita ang mga bugok.Kaya tiningnan ko sila ng masama.TSK.

"Ako po ang asawa doc." Nakatayo ako habang nakapamulsa at nakasandal sa pader.

"Kumusta po ang asawa ko Doc." Pag aaalalang tanung ko.

"Bueno, mabuti na lamang at naagapan mo ang pagdala mo sakanya dito dahil medyo madami dami ding nawalang dugo sakanya at dahil dun kinailangan pa namin syang salinan ng dugo kanina. But don't worry, she will be get fine. She just need some rest. Anyway, in her case, medyo nakakapagtaka lang na sa ganung sugat na di naman gano kalala ay nawalan sya ng ganung karaming dugo. Mas katanggap tanggap kong naglaslas sya sa may pulso nya, but in her case, isang maliit lang na sugat yun sa palad nya----- Hayy nako. Sabagay nitong mga nakaraang araw padami ng padami na din yung mga dinadala rito na di namin maipaliwanag kung anong mga nangyayari sa mga pasyente. "
Napapailing nyang sabi sabay tap sa shoulder ko.

" Sige hijo. Kung may problema ka tawagin mo nalang yung nurse nya. Saka need mong bilhin din yung niresita ko sa kanyang gamot para makatulong yun para mas madali syang lumakas agad." Doktor.

"Yes Doc. Thanks." Maikling sagot ko.Saka umalis na yung doktor.

"Kayong anim ? Kayo na ang bumili nitong gamot na iniresita ng doktor."Utos ko.

" Bah Zach ! Kelan kami nag apply sayo bilang runner boy moLeaf.Sira ulo talaga tuh.

" Kung hambalusin kaya kita ng sapatos ko?" Aangal pa sana si leaf pero sinamaan ko ng tingin.

" Sabi ko nga. At your service always." Leaf.

"Sya nga pala Zach, mamaya. May balita kami sayo." Blaze.Tumango naman ako bilang pag sang ayon.Pag kaalis nila.Agad ko namang tinungo ang harapan ng pintuan ng kwarto.Sakaako bumuntong hininga muna bago pumasok sa loob ng kwarto ni Milka.

Pagkapasok ko. Napakunot noo ako.Ewan ko ba pero,Bigla akong nairita.Grabe kasi makangiti. Parang walang nangyari sa kanya. Parang di nasaktan kanina.Pero kahit naiirita ako, di ko din mapigilang mapangiti na sa kanya.Parang may gayumang hatid ang mga ngiti nya sa sobrang ganda.Pero ano nga bang gagawin ko sa oras na magtanung sya tungkol sa mga nangyayari ?Alam kong di nya maiiwasang magtaka at magtanung sakin. Handa na nga ba akong ipaliwanag sa kanya ang lahat ?Ang sabihin ang buong katotohanan sa kanya ?Ang ipagtapat ang tungkol sa mga layunin ng mga kapwa kong bampira ?Sana naman wag muna ngayon.Di pa ako handang ipaliwanag at sabihin sa kanya yun.Pero pano kong dahil dun layuan nya ako at matakot na din sya sakin ???

Hindi ko kakayanin yun. Hinding hindi. Ngayong hawak na kita. Di ko na kayang malayo ka pa sakin Milka.At di ako papayag na may mangyari sayo dahil ipinanganak ako para maging tagapagligtas mo MILKA.

DEYLAN POV:

"Anoooo ? Nasa ospital sya ??"Sige ! Sige . "

Saka ko ibinaba ang phone ko. Mga hangal ! Ang utos ko lang ay takutin si Milka at hindi aabot sa ospital.Gusto kong patayin ang hayop na bampirang yun pero patay na. Alangan namang patayin ko ulit, ano yun baboy lang ? Double dead lang.Tsk ! Ewan ko ba, pero nung unti unti ko ng nakikila yung babaeng yun, nagkakaroon na din ako mg awa sa kanya.Napakabaet kasi ii.Hindi ko tuloy, magawa-gawa ang plinaplano ko.Arg. Saka ko ginulo ang buhok ko.Nang biglang may dumating.

" Boss ! Pinatatawag ho kayo ng ama nyo." Lalaki.Tsk. Alam ko na tuh.

"Sige papunta na."Sagot ko, saka tumayo at tinungo na ang opisina ni ama.Pagdating dun.

" Anong nangyari?" Tanong nya.

" Tinakot ko lang si Zach. " saad ko.

" Hangal. Bakit ka sumugod ng walang permiso ko? Paano kung naapatay niyang mga alipores mo na hayok sa dugo nung babae?" Galit na sigaw sakin ni Dad..

" Dad, wala naman nangyare, saka wala sa plano namin ang-------

" Tahimik.Anong walang nangyare ?? Alam mo bang pwede siyang mamatay dahil sa dami ng dugong pwedeng makuha sa kanya huh?" Galit na galit na si Papa.Tsk. Eto ang isang dahilan ko kung bakit ginagawa ko ang lahat maging tama lang ako sa paningin nya.

" I'm sorry Dad."Nakatitig kong sabi.

" Mabuti pa nuon si Zach sumusunod sa lahat ng gusto at ipianapagawa. Hindi katulad mo puor kabobohan ang alam gawin. Walang utak." Pagkukumpara ni papa sakin.
Habang nakakuyom ang mga palad ko sa sobrang galit.Eto na naman kami. Kahit wala na sa pamilyang tuh si Zach. Zach pa rin ng Zach si dad. Anu bang meron sa hayop nay un at napakaperpekto sa paningin nalang ng lahat?

" Nuon yun Dad. Pero ngayon? Trinaydor kana. Kaya wala ka ng maipagmamalaki pa dad. Walang wala na." Isang malakas na suntok sa kanan kong mukha mula kay papa.

" Nagawa niya lang yun dahil nabulag siya ng pag ibig sa mortal nay un. Masyadong nagpalinlang sa narararamdaman niya. At sa oras na iwanan siya ng babaeng yun magigising na din siya sa katotohanang walang pag-ibig sa ating mga bampiraAt pano kung ako naman ang mahulog sa sarili nating patibong ?May magawa ka kaya Dad?Halos sumabog na ako sa galit.

Ang lahat pala ng plano nya ay para na naman sa ampon nya.

"Makinig ka Deylan. Wala sa plano natin ang pagsugod mo kaya kapag naulit ulit yun kalimutan mong ama mo ko. "Napatango nalang ako.

" Mabuti naman. Makakaalis ka na. ."Bumuntong hininga muna ako bago lumabas sa pintuang yun.Halos basagin ko ang lahat ng madaanan kong mga babasagin sa loob ng bahay na ito sa galit.Napaka walang kwenta nyang ama.

" Bwiset ! Makikita mo Zach ! Bibilib din si dad sa akin. Makikita mo." Papunta na sana ako ng kwarto ko ng biglang --------

"Kuyaaah!!"Napalingon ako sa pinang gagalingan ng boses na yun na napaka pamilyar sakin.Anong ginagawa nya dito ??Di sya dapat nandito.

Problema tuh .Saka ko lang napansin na nakalapit na pala tuh sakin.

" Kuyaahh ! Namiss po kita sobra. Bakit di niyo ako binisita man lang sa States? Nakakatampo kayo ni Zach—teka, si Zach? Nasaan pala? Mag tatlong buwan ng di natawag yun sa akin ah ! Hmm lagot siya sa akin." 

The Last Vampire Prince COMPLETED (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon