I almost fell asleep. Nagising na lang ako sa tawag ni Apxfel. Nakakatuwa kasi tinotoo niya nga. Almost every one or three hours tumatawag siya.

Sleep ka muna, babe. I love you!

Text niya sa akin. Nagreply naman ako ng okay kasi inaantok din ako.

-

Saglit lang ako naka tulog dahil naka ramdam na ako ng gutom. Bumaba ako para kumuha ng maka kain pero bago pa ako maka punta sa kitchen, nandoon na pala si Apxfel.

"Kakauwi mo lang?"

"Medyo kanina pa." He answered and then kissed my forehead.

"Kamusta?" Tanong ko but he just shrugged.

"Natumba ka daw kanina? Ano nangyari? Okay ka lang ba? May sumakit ba sayo?" Sunod sunod na tanong nito.

"Wala... wala 'yun. Kukuha lang ako ng tubig pero na.. nadulas ako." Sagot ko sa kanya.

"Abigail, tell me the truth. You're not good at lying." Sabi nito.

Huminga ako ng malalim.

"Sumakit kasi ang dibdib ko." Sabi ko habang naka tingin lang sa mga paa ko.

Magagalit siya. Sigurado.

"Abigail naman, bakit hindi ka-"

Yinakap ko siya ng mahigpit kaya hindi niya na natuloy iyong sasabihin niya.

"I'm sorry." I apologized. "I just don't want you to get worried."

Wala siyang imik. Nanatili lang kaming mag ka yakap.

Maya maya, umalis na siya sa yakap at bahagyang hinawakan ang mukha ko.

"Don't do that again, okay?" He said and I instantly nodded.

Ayaw ko lang naman talaga siya mag alala, pero sabi niya nga, hindi ako magaling sa pag sisinungaling kaya mabubuking at mabubuking niya ako.

"May pasalubong ako sayo." Sabi niya pa kaya na excite naman ako kaagad kung ano iyon.

Inabot niya sa'kin yung paper bag at ang tumambad doon ay mga libro.

I literally scream! Gusto ko 'tong mga 'to.

"Thank you!" I said and jump at him.

"Sabi mo kasi kanina, na bo-bored ka. Kaya binilhan kita ng mga mababasa mo."

Minsan, natutulala na lang ako. Seeing how sweet this guy is.. Kakaiba.

Napag desisyunan na naming matulog pag ka tapos kumain at manuod ng movie.

Nag kwento din siya sa mga nangyari kanina sa school. Nakaka miss tuloy, pero okay lang. Pinangako niya din na ituturo niya sa'kin yung mga itinuturo sa kanila.

"Matulog ka na ha?" Sabi niya habang nilalagyan ako ng kumot.

Nung akala ko na aalis na siya, hindi pala!

Isinarado niya 'yung pinto!

"Bakit?!" Tanong ko. Hindi ko alam, parang may nag panic lang sa mga kasu-kasuan ko!

Bigla bigla siyang na higa sa gilid ng kama ko. Naka talikod pa siya sa'kin! Aba.

Kinalabit ko ito.

"Huuuy! Anong trip mo?" Tanong ko. Takang taka ako sa mga pinag gagagawa niya, e.

Lumingon siya sa'kin.

"Dito ako matutulog. Gusto mo bang ulitin ko yung bilin ni Tita? Bantayan ka ng 24-"

Napatigil na lang siya nung yumakap ako sa kanya.

"Tulog na tayo." Mahinang sabi ko.

Mahabang sentimento nanaman ang sasabihin niya kaya yinakap ko na lang siya. Gusto ko naman din na tabi kaming matulog.

I love the feeling... Pakiramdam ko kasi, secured ako.

"I can't wait for us to get married." He said.

Tumingala ako para makita ko ang mukha niya.

"Me too."

Nagising ako bigla dahil may hindi ako magandang nararamdaman.

Naninikip nanaman ang dibdib ko.

Itinakip ko ang mga kamay ko sa labi ko. Ang kirot kirot kasi, muntik na akong mapasigaw sa sakit.

Unti-unti kong inalis ang kamay ni Apxfel na nakayakap sa'kin tapos ay dahan dahan akong umalis sa kwarto. Buti na lang at hindi siya nagising.

Bumaba ako doon sa sala.

Hindi ko mapigilang hindi gumawa ng ingay dahil sa kirot na nararamdaman ko kaya naman lumayo ako kay Apxfel.

Sumiksik lang ako doon sa may sofa habang naka hawak sa dibdib ko..

Ang sakit sakit.

"Abigail?" Narinig kong tawag ni Apxfel sa'kin.

I instanly composed myself.

"What are you doing here?" Alalang tanong niya pag ka baba ng hagdanan.

Hindi ako makasagot.

Ayaw ko na kasing mag sinungaling sa kanya... pero ayaw ko din namang masaktan siya.

I knew him that much.

Alam kong nasasaktan din siya kapag nasasaktan ako.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon