Prologue

11 0 0
                                        

Prologue

Qui-Gon Jinn's Point of View


Pumunta ako sa pinaka siyudad ng planetang ito, ang Tatooine.

May kailangan akong bilhin, isang memory chip para sa isang BB robot unit. Pinabibili ni Obi-Wan. Ang apprentice ko.

Oo may apprentice ako, dahil isa akong Jedi Master. Tungkulin ko ang proteksyonan ang Republic at ang iba pang system mula sa Empire. Ang tinaguriang 'The Dark Side of the Force.'

Natatanaw ko ka mula sa malayo si Han Solo. Ang nagmamay-ari ng Millenium Falcon na pinag aagawan ng mga nangangalakal dito. Malaking pera kasi ang katumbas ng ship na iyon kaya lahat ay balak mapasakamay ito.
.

Nagtratrabaho rin siya para kay Jabba the Hutt, ang isang panget, halimaw, at mabahong nilalang. Gangster siya dito. Nagbebenta si Han ng mga kalakal. Sana may memory chip siya.

Balak kasing gumawa ni Obi-Wan ng robot para macontact at mahanap si Luke Skywalker.


Nawawala siya mula nang mawala ang ama niya, si Anakin Skywalker sa di malamang dahilan.


Baka nagmumukmok.


"Oyy pareng Kwa-Go."



Sinimangutan ko siya. "Putulin ko kaya ang dila mo gamit ng lightsaber ko?"



Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Easy lang pareng Qui-Gon. Pinapatawa lang kita. Ano kailangan mo?"


"Meron ka bang memory chip ng isang BB unit robot?" Tanong ko.


Tumango tango siya. "Titignan ko. Tara sa loob."


Pumasok ako sa kanilang tindahan. Maraming mga machines at humanoids ang naka display. Marami ring mga piyesa mula sa fighter jet ng Republic.

Teka, jet ko yun ah? Tsk.

"Kyla kaya mo bang kunin yung black box?"


May nakita akong batang babae na hawig na hawig ni Leia. Ang kakambal ni Luke.


"Anak niyo ni Leia?" Tanong ko kay Han.


Napangiti siya. "Oo, anim na taong gulang na siya, Princess Kyla ang pangalan niya. Syempre prinsesa din ang nanay niya eh."

Ngumiti ako. Umakyat ang anak ni Han at naabot ang black box. Inabot sakin ng bata.

"Eto po Mr. Jinn!" Masiglang sabi ng bata.

Napangiti ako. Hinimas ko ang ulo niya.

Nang nahawakan ko ang ulo ng bata, may nakita akong imahe sa utak ko.

"Wag mo siyang ilayo samin!"

"Yun lang ang paraan Leia, dadakpin siya ni Darth Vader."

"Is there no other way? She's too young Qui-Gon! Hindi niya alam na may iba pang nabubuhay sa labas ng kalawakan!"


"Kailangan kong burahin ang alaala niya."


"Hindi pwede! Nakita ko rin 'to sa panaginip ko. Nanalo tayo Qui-Gon, umalis ang Empire, pati si Vader."


"Master Yoda had foreseen this. If you don't follow me, there's no way to get Kyla from Vader."

"Qui-Gon?"


Nawala ang mga imahe na nakita ko nang tawagin ako ni Han. Naialis ko ang kamay ko sa ulo ni Kyla.


"Ah pasensya na. Magkano ito?" Nagtataka ako. Ano ang kailangan ng Empire sa batang ito?

"Dapat ten quartz yan. Pero sige libre na yan."


"Ano ba Solo, kada bibili ako ng paninda mo lagi nalang libre, pano kung bilhin ko si Leia ibibigay mo ba?" Biro ko.


Sinuntok niya ako sa balikat ko. Pero mahina lang yun. "She's not for sale. She's mine."


Loko talaga 'to. "Sige salamat dito sa chip."


"Oyy Qui-Gon wala ka bang balak ibenta o isangla yang armas mo? Mehehe. Malaking pera rin ang makukuha mo diyan sigurado maraming may gusto niyan."


I glare at him.



"Hehe joke lang! Pero syempre open ang tindahan ko if ever."

Bago ako humayo, may naalala ako.

"One more thing, alagaan mo mabuti si Kyla." May nararamdaman din ako dito sa batang 'to.

The Force is strong with her.

"Ano ba Jinn hindi na kailangang sabihin yan. Tungkulin ko iyan."


Tumango ako. "Sige. Babalik na ako sa Republic. Salamat ulit."

May naramdaman ako na nanggagaling mula sa Silangan 30 kilometro ang layo mula dito.

"Stormtroopers." Sabi ko. "Magtago na kayo, papunta dito ang Empire. Kasama si Vader." Sabi ko kay Solo. Naramdaman din niya na nandito ako.

Mas lalo naman siya. Galit, poot at hinanakit ang pumapalibot sa kanya.

Wala na talagang pag-asa na bumalik siya sa date. He's been seduced by the dark side.


"Gusto ko talagang matutuhan yang prediction powers mo eh. Sige thank you come again! Hahaha!" Sabi ni Solo.


Pinaglihi 'to kay Jollibee.


"May the Force be with you." Dagdag pa niya. Napangiti ako. Kahit ganyan siya, seryoso parin siyang nilalang.

Lumabas na ako ng tindahan at saktong bumababa na ang mga stormtroopers sa transport ship nila.

Kinuha ko ang transmitter ko. "Obi-Wan papuntahin mo ang resistance dito. Nandito ang Empire."


"I already foreseen that master, nasa daan na sila."

Natutuhan na ni Obi-Wan. "Good. Join the party here." Sabi ko.

"Qui-Gon Jinn, we finally meet."

Tinignan ko si Darth Vader. Galit ang nararamdaman niya ngayon. Iyon ang nagiging dahilan kung bakit siya nagiging malakas.

Inilabas ko na ang lightsaber ko.

-

Zekken's Note:

Hello po! Sa mga nakakaalam ng Star Wars Saga at sa mga hindi pa XD may mahalaga po akong sasabihin.

Binuhay ko si Darth Vader sa story na ito XD Kasi nga diba sa Star Wars episode 6 (Return of the Jedi and before the new movie "The Force Awakens") namatay po siya diba? Pinagtanggol niya si Luke kay Sith Lord Palpatine dahil nalabanan niya yung pagiging masama niya dahil nakita niyang nasasaktan ang sarili niyang anak. Soooo gawa ko lang siya fiction 'to guysss :)

Kaya ako gumawa nito kasi nainspire ako nung napanood ko yung The Force Awakens kaya pati ang utak ko naawake XD

Anyway po kada chapters maglalagay ako ng some info para malinawan kayo. So stay tune :)

Next UD maybe the day after tomorrow.

--

The Way of the Force
Date created: April 20, 2016
By: Krizelle_Luina

The Way of the Force [ON-GOING]Stories to obsess over. Discover now