Chapter 64 (October 25, 2011)

968K 11.4K 1.9K
                                    

DATE POSTED: October 25, 2011


Chapter 64

Haist! Nakakainis!!! Tsk!!! Bwisit siya!!! Bakit ganun yun?

Nakahiga si Phoebe sa mahabang sofa habang ngumunguya ng cookie. Hawak-hawak niya ang isang cookie jar na nakapatong sa gilid niya.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!"

Kumuha siya ng isang dakot na cookie at sinubo lahat sa bibig niya.

Nakakanis siya talaga!!! Anong feeling niya aamuin ko siya! Ang sungit-sungit pa rin! Ako ang buntis tapos siya ang naglilihi ang kapal ng mukha! Hindi daw galit! Pero pumasok na lang sa kwarto niya. Miss ko na rin naman siya eh! Eh may naamoy lang naman talaga ako eh!!!

Dumakot ulit si Phoebe ng cookie at pinagkasya sa bibig niya. Naiinis pa rin siya kay Kent. Palagi na lang sila hindi magkasundo. Walang matagal na panahon na magkabati sila.

Forever na lang kaming nag-aaway! Kahit buntis na ako. Makasarili pa rin siya!!!

"MNGGAAAAAAAAAAAAAANGAAAAAAAAAAAH!!!" isinigaw ni Phoebe ang sama ng loob niya kahit marami pang cookie ang laman ng bibig niya.

"ANO YUN!!!! PHOEBE ANONG NANGYAYARI?!!!" lumabas si manang mula sa loob ng kwarto nito sa baba!

Hind naman makasalita si Phoebe ng maayos dahil nakahiga siya at namumuwalan ng cookies ang bibig.

"Walnggahh! Mnghha!!!"

"HA!???? MAY MASAKIT SAYO?? YUNG BABY MO???"

Lalo namang nagulat si Phoebe. Hindi niya alam na alam na pala ni manang ang tungkol sa kalagayan niya.

Nalunok niya tuloy ng bigla-bigla ang nginunguya niyang cookie. Nabulunan siya.

"Ahhh!!! Manang!!!" tumayo si Phoebe at tumakbo papunta sa kusina. Kailangan niyang makainom ng tubig.

"PHOEBE WAG KANG TUMAKBOOO!!! KEEEENT!!!! KENT MAY NANGYAYARI NA KAY PHOEBE!!!! KENT BUMABA KA RIYAN!!!! KEN TOMAAS!!!!!!" buong tonsillitis na sigaw ni Manang Lourdes dahil natataranta na siya sa nangyayari.

Nakita niya naman agad na dali-daling bumababa si Kent.

"ANO HO YUN???!!! ASAN SI PHOEBE!!??? BAKEET?" nagpapanic naman si Kent.

Tinuro ni manang ang kusina. Tumakbo silang dalawa.

***

Parang mamamatay naman si Phoebe ng ma-stuck ang cookies sa lalamunan niya dahil sa biglaang paglunok. Pagkainom niya ng tubig, halos mapaupo na siya sa sahig ng kusina sa sarap ng pakiramdam

Alam na pala ni manang?? Hay! Mamatay na ako dun ah! Aish! Ano bang sinisigaw ni manang?? Nabulunan lang ako eh.

"Baby ko!!!!" narinig niyang tawag ni Kent pero hindi niya ito makita. Nakaupo kasi siya sa sahig at natatakpan ng lamesa ang view.

Ehhh? Ayan na po.... SUNGIT ALERT!!!

Lumapit naman agad sila manang at Kent sa kinaroroonan niya.

"Anong masakit? Ha? Ano? Ano nang nangyari? Okay pa ba baby natin? Okay ka ang ba?"

"Okay lang ako..." tumayo si Phoebe at umupo sa isang upuan sa gilid ng kainan.

"Sumigaw siya kanina... Tapos... Parang hinawakan niya yung tyan niya. Tapos eto na nakahiga ka na sa sahig!!!! BAKA NAPANO NA ANG BABY!!! Naku!! Tatawag na ako ng doktor!!!" mabilis na saad ni manang.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon