Chapter Twenty Eight

4.3K 94 11
                                    

Chapter 28

---

"DOC Brio..." umupo ako sa upuan na nasa table lang nila.

"Anong meron guys? Bakit sya nandito."

"Wag kang mag-panic. I'm here to help. I heard from your friends that you want to know something about Mrs. Cornelia Harrington."

"Nakita nya kasi kami ni Raven na naghahalungkat ng files sa loob ng office/clinic nya. Kaya napilitan naming sabihin sa kanya ang pakay natin."

"Pwede ko bang makita yung sinasabi mo daw na picture?" Doc Brio said.

Kinuha ko yun sa sling bag na dala ko at inabot sa kanya.

Matagal nya yung tinitigan. Naghintay lang kami nila Darl and Rave sa susunod nya'ng gagawin o sasabihin.

May kinuha sya'ng folder sa gilid ng upuan nya at inilagay yun sa table.

"Ito ang mga records ni Leslie." He said at tumingin sa aming tatlo. "Nakalagay dito, 45 years old palang sya. Pero si Ma'am Cornelia, 50 year's old na by now."

"Doc. Ang dali lang baguhin ng mga information na 'yan. Ano naman ang mga pakialam ng mga psychiatrists at mga nurses sa edad ng mga pasyente nila? Kadalasan naman wala sa edad ang kilos nila diba?" I said.

"You have a point." Raven agreed.

"Nung nakita mo ba yung picture na 'to..." turo nya sa picture na pinakita ko sa kanya kanina. "...naramdaman mo na kaagad na iisa sila?" Doc Brio asked again.

"Oo doc."

"How sure you are?"

"Hindi ko alam. Basta naramdaman ko. Simula nung nagtrabaho ako sa St. Paul's hanggang sa tanggalin nyo ako, ako lang ang kinakausap nya. Ako lang ang nagmomonitor sa kanya. Sya ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng pasyente natin dun."

"May nababanggit ba sya sayo na kakaiba minsan? I mean halimbawa tungkol sa pamilya nya. Kahit naman wala sya sa tamang pag-iisip, may chance pa rin na maalala nya yun."

"Meron, doc. Yung teddy bear nya. Sabi nya anak nya yun. Clara ang tawag nya dun."

"Eh diba, Clare yung pangalan ng ate ni LG." Sabi ni Darlene.

"Ano bang nangyari kasi sa kanya? Bakit sya humantong sa mental? Bakit sya nabaliw?" Raven asked.

"Pwede 'ring hindi talaga sya baliw. Pwedeng sinadya 'tong mga nangyari sa kanya." Sabi ni Doc Brio.

"What do you mean, doc?" I asked. Tiningnan nya lang ako. Nakaka-intimidate.

"Hindi sa St. Luke's ang unang naging hospital ni Leslie. Nakalagay sa record nya'ng nagpalipat-lipat muna sya ng mental hospital bago sya mapunta sa St. Luke's. Maaaring may mga gamot na binigay sa kanya yung mga staff ng hospital doon kaya sya naging ganyan."

"Bakit naman gagawin sa kanya yun, doc?" I asked.

"Hindi ko alam." Sagot ni Doc.

"Nakalagay rin sa records ni Leslie na may asawa at anak sya diba?" Tanong ni Darlene.

"Oo." Sagot ni Doc Brio.

"Ano na po ang plano?" I asked.

"Let's try to give that picture to Leslie. Then let's see if what would she do. How her expression turns to."

We packed up at sumakay sa kulay itim na Ford ni Doc Brio. Dumiretso kami sa St. Paul's.

PAGPASOK namin sa loob, nakita ko pa dun yung iba kong mga katrabaho dati. Binati naman nila ako. Pumasok kami sa kwarto ni Leslie. Nakaupo sya sa sahig at hawak yung teddy bear nya.

Vengeance (COMPLETED)Where stories live. Discover now