Chapter Nineteen

3.8K 74 4
                                    

Vengeance Chapter 19

My King

---

PUMIKIT ako habang halos humiga na sa swivel chair sa office.

"Pagod ka, Winter?" Ma'am Kim asked.

"Medyo Ma'am. Ang daming nag-aapply ngayon ah?"

"Gumraduate na kasi yung mga Octoberians. Expect more applicants soon. Lalo na pag nag-April."

"Kulang pa po ba tayo sa employees? Marami pa po bang available na trabaho dito sa company?" I asked.

"This company is becoming bigger and bigger. Kaya kailangan din talaga magdagdag. Lalo na ngayon, Sir Greg's gonna turn over his crown to his son. Bata pa ang anak nya'ng iyon. I'm sure the sales of this company will increase higher than we are expecting."

Increase higher that we are expecting? Eh lawyer nga si LG, hindi businessman.

"Anyway. Punta ka muna sa Finance. Maki-photo copy ka ulit ng mga forms na 'to. Sa daming nag-apply kanina, halos magka-ubusan na. Rereview-hin ko lang 'tong mga resumes nang mga applicants kanina. Pagbalik mo, tulungan mo ako."

"Okay, Ma'am."

Kinuha ko yung mga pinapa-photo copy nya and proceed to the elevator. First step ko palang sa finance department, nakita ko na kaagad si King.

I rolled my eyes. He's walking towards me... with a coffee in his hand.

"Kanina pa kita hinihintay!" He uttered with a smile.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko.

"Eto naman. Coffee?"

"Thank you. Pero nag-coffee na ako kanina."

Sumimangot sya. "Sayang naman 'to." He said.

"Eh hindi ko naman kasi sinabing bilhan mo ako araw-araw."

Kinuha ko yon dahil nagpapa-awa effect na naman sya sa akin. "Akina na nga. Mamaya ko nalang 'to iinomin kapag nasa taas na ako."

"Makikigamit ulit ako ng xerox machine ah?"

"Sige ba. Basta ikaw!"

"Bumalik ka na dun. Ang kulit mo." Ngumiti ako habang sinasabi yun para hindi sya ma-offend.

Nakasimangot sya na medyo pabebe ang itsurang pupuwit-puwet na bumalik sa table nya.

I scanned the whole floor. Masyadong crowded, nasaan kaya si Jace?

"Sinong hinahanap mo?!"

Napatalon ako nang bigla nalang nya akong hawakan sa likod.

"Ngayon na ang start ni Sir Luke, ah?" He said by emphasizing the word 'Sir'.

"Sir Luke?" I wrinkled. Tutal malayo naman ang xerox machine sa mga tables, malaya kaming nakakapagkwentuhan ni Jace dito.

"Yeah. He was introduced as Sir Luke... so we need to call him Sir Luke." Jace said. "Bumisita na ba sya sa Department nyo? I heard na magro-round and observe daw sya sa kada floor."

"Mmm. Sipag ah?"

"Do you think he can handle this company?" He asked.

"Madaling mag-handle. Mahirap i-maintain. I had a doubt. Pero... let's see? Malay mo, he can easily learn things. Matalino sya, nakaya nga nya'ng mag-abogado diba?"

Vengeance (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon