Chapter Ten "Ang mahiwagang panyo"

1.4K 52 24
                                    

Chapter Ten “Ang mahiwagang panyo”

PLEASE READ

Tinakpan ko na yung mga rude words o mga masasamang salita dahil ayoko magaya niyo yung mga characters dito sa storya. Thankyou. :)

Kath’s POV

Sa sobrang pagod ko hindi ko alam nasa bahay na pala ako. Ang naalala ko lang may taong nagbuhat saakin at bumalik ako sa paaralan para magimbestiga. Alas dose na nang gabi at nandito pa rin ako. Nagsuot ako nang takip sa mukha para hindi ako Makita. Ang bongga ko kasi nahimatay daw ako sabi nung nurse tapos may gwapong lalaki daw na nagbuhat saakin papuntang clinic. Ang ganda ko talaga. Habang nagiimbestiga ako syempre dyosa ako nagutom kaya kinuha ko yung pagkain ko sa bag ko at kinain malamang. Habang naglalakad ako sa may hallway *insert suspense sound para kunwari nakakatakot*

DUN DUN DUN. *cheap sound effects*

AT EAT BULAGA! AY TEKA WRONG CHANNEL.

Nandoon si mang guard nagmadali ako pumunta sa may clinic. Buti nalang wala nang tao. Naghanap ako nang pwedeng maimbestiga. According to my investigation there’s a magazine. Mageenglish lang ako ngayon para kunwari sosyal ako. Nung tinignan ko yung magazine puro si Panget yung topic at nagulat ako nang nakita ko yung maganda kong mukha.

“DANIEL PADILLA’S NUMBER ONE HATER AND NON SHOWBIZ GIRLFRIEND AY IISA?!”

Anong girlfriend?! NEK NEK MO! Naalala ko tuloy nangyari kanina. Pinabili ko na si kiray nang isang tambak na colgate. Pagdating ko mamaya magsi-sipilyo ako hanggang sa mawala kahit isang bahid nang labi nung mokong na yun. Naghanap pa ako nang mga ebedensya nang may nakita akong panyo.

“John” Sabi ko sa sarili ko. Sino yung John na yun? Lumabas ako sa clinic nang-

“HOY BAKIT KA NANDITO! GABI NA!” Hinabol ako ni manong guard. Tumalon ako sa gate at nagmistulang unggoy na naglambitin. MAGANDANG UNGGOY. Bumaba ako at tumakbo hanggang sa makauwi ako. Pag gising ko kinabukasan nakahiga ako sa may sahig at damit ko pa rin yung damit ko. Pagtingin ko sa orasan malapit na magtime. Tumakbo ako sa CR. Teka late na ako diba? Magpapalate nalang ako ayoko naman sa first subject matutulog rin ako.

#MEDYOBADGIRL

Nilagay ko yung mahiwagang panyo na nakita ko kagabi sa may bag ko at nang natapos na ako maghanda umalis ako sa bahay at nilock yung pintuan pero wala saakin yung susi.

#MEDYOBADGIRL

Nakarating na ako sa may school at nakita ko si manong guard. Buti hindi ako namukhaan eh ako lang naman maganda sa paaralan na to.

#MEDYOBADGIRL

Pagdating ko sa harap nang classroom pumasok ako sa may exit.

#MEDYOBADGIRL

TEKA TAMA NA NGA.

Pag pasok ko normal lang yung nangyari maraming mga nagchichismisan at ako natulog lang. Hindi naman pumasok si Panget mabuti yun  baka nasipa ko na siya kaliwa’t kanan. Ginising ako nung katabi kong nerd. Psssh, may seatwork daw. Pagbukas ko nang bag ko wala na yung panyo.

NASAAN NA YUNG MAHIWAGANG PANYO?!!!!!!!

____________________________________________________

­SHORT UPDATE. I’m studying. Kbye hahahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate Daniel Padilla?! ONHOLD.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon