IHDP- Special Chapter

2.1K 48 9
                                    

PLEASE READ

Tinakpan ko na yung mga rude words o mga masasamang salita dahil ayoko magaya niyo yung mga characters dito sa storya. Thankyou. :)

NOTE: THIS STORY IS PURE FICTION

***

Special Chapter

Nakakainis yung nanay ko, ilipat ba naman ako dito sa walang kwentang school, Nakakainis kasi puro mga spoiled brat lang nagaaral dito.

Leche atsaka uso narin yung mga gangster na nagpalibot sa buong pilipinas. Tragis parang mga nakashabu lang yung mga lalaki na yun! Gangster? Swagger? Cool? Cool ba yung pumatay? Para lang sa mga walang kwenta lang yun! Tapos may mga nagaaral na artista dito, Pakingsyet.

Bakit kasi nagartista pa ako? Alam kong masyado akong gwapo oo lalaki ako! pero ayoko na ikinu-kumpara ako sa iba. Lalo na kay-- napatigil ako sa pag monologue ko nang may nakita akong babaeng nakahandusay sa sahig loka loka ba yun? Baka naman patay na yun? Ay letche lagot ako ngayon. Nilapitan ko yung babae, patay na ata to? Lumuhod ako at pinakinggan kung humihinga pa siya. THANK YOU AT BUHAY PA SIYA. Kundi malilintikan talaga ako dito! Sinampal ko yung pisngi niya pero mukhang tulog talaga.

"Miss, gumising ka." Wala paring response si miss? Ano ba pangalan neto?

"Hoy sleeping beauty, wala yung prince mo pero nandito ako." Wala parin. Tinignan ko yung id niya. Kathryn Chandria Bernardo. So yun pala yung pangalan niya? Boplaks, malamang alamang! Alangan pangalan mo yun! Sira ulo! Tinapik ko yung noo niya. Itapon ko kaya to sa basurahan? Tumayo ako iiwanan ko na sana siya nang biglang may narinig akong nagsalita

"Please help me."

Lumingon ako at bigla ko siyang binuhat, ANG BIGAT! Ilang kilo ba to? Napansin ko yung mukha niya. All i can say she's beautiful pero hindi ko siya gusto. I hate girls. Ang iingay nila, wala nang inatupag kundi magsalita parang mga machine gun. Lalo na yung mga babaeng wala nang inatupag kundi LOVE. Uso yan ngayon, tignan niyo sa nationwide trend. Hinanap ko pa yung clinic, leche asan ba yun? Sa wakas nahanap ko na. Pumasok ako at inihiga siya sa kama.

"Ano nangyari sakanya?" Sabi nung nurse. Ate nakita mo diba, WALANG MALAY?!

"Sumasayaw este wala siyang malay nadatnan ko nalang siya sa third floor na nakahiga sa sahig." I explained

"So ikaw yung bago? Diba artista ka?" One more thing nakakainis yung babaeng kulang nang common sense. Upakan ko to eh.

"Hindi luma ako, hindi tao ako. Diba tao ako? Eh ikaw ano ka? Alien?" Walang gana kong sagot. Magtatanong na nga lang, tsk!

"Ay alam mo nakakatawa ka eto pirmahan mo lang tapos pwede ka na umalis." She laughed. Aba nakakainis talaga etong babae na to.

"Akin na nga para makaalis na ako naiinis ako sa pagmumukha mo." Tumawa ulit. Lahat ba nang tao dito sa paaralan baliw? Pagkatapos ko pumirma paalis na sana ako nang may sinabi saakin yung nurse

"Oh, may kasama ka rin na lalaking artista si DANIEL PADILLA. Grabe gwapo niya bla bla bla" Binuksan ko yung pintuan at sinara ko. Oh andito rin si Padilla? Great!

This will be fun.

I Hate Daniel Padilla?! ONHOLD.Место, где живут истории. Откройте их для себя