Ang Pang Labing-Apat

Start from the beginning
                                    

Dumaan ang tahimikan sa amin. Napatingin na lamang ako sa desk nito at hindi na napigilan ang pagpula ng pisngi. Naaalala ko nanaman ang unfortunate na pangyayari. Unfortunate ngunit pleasuring? Oh god...


"Papalitan ko itong office desk first thing in the morning," sabi niya kaagad.

"HIndi mo naman kailangang gawin yun, sir!" Lumipad kaagad ang mga mata ko rito.

"Its bothering you---"

"H-Hindi po! Okay lang! Normal na 'yun--"

"And its bothering me," putol nito sa akin.


Napaawang ang aking bibig. Napanguso si Sir Ram at humalukipkip. Nag-iwas ito ng tingin. Aba, marunong din pala mahiya ang isang ito? Himala!

"Bakit naman kasi dalawa? Ayos na kung isa lang, e. Nahuhuli ko nga si Mirna isa lang, e..." bulong ko sa gilid.

"Anong sinabi mo, Chrissy?" Kumunot kaagad ang noo ni Sir Ram. Sa takot na kainin ako ng buhay ng aking boss ay ngumiti ako ng pilit dito.

"Wala, sir! Ang sabi ko liitan niyo na lang 'yung bibilhin niyong table," sabi ko. Napangisi ako sa aking sarili. Syempre ay para makaiwas!


Naging kalmado muli ang mga mata ni Sir Ram. Hindi ko alam kung anong mas madaling tingnan dahil kahit galit ito at seryoso ay malakas pa rina ng intensidad. Patuloy ang pagtingin nito sa akin na tila ba may inaabangan.

"Sigurado akong may nabanggit na si Mirna ng pag absent ko, sir..." Tumikhim ako at nagsimula.

"Continue..." Pumangalumbaba si Sir Ram habang nakatingin pa rin sa akin.

"May nabanggit na rin ako. Na para sa academics ko naman." Diniinan ko ang salitang academics. Napanguso si Sir Ram. "Pero..."

"Pero, ano?"


"Hindi mo ako pinayagan, sir," dugtong ko. Napatiim ako ng bibig. Umuusbong ang iritasyon sa akin ngunit pilit ko iyong inalis.

"That's right. And do you think that's enough of a reason to still pursue your...?" Winagayway nito ang mga kamay sa ere. 

"Mayroon naman akong mas malaking rason sa pagiging MIA ko--"

"I would call that an AWOL, Chrissy."

Pinigilan ko ang pag-irap sa umuusbong na ngisi sa mga labi nito. Ayaw niya bang magpaliwanag ako ng mabuti? "---sa pagiging AWOL ko," pagbago ko sa sinabi. "at iyon ay ang pag-aaral ko, sir. Katatapos lang ng midterms namin kahapon at hindi ko naman sinayang ang AWOL ko."


Pagkatapos kong magsalita ay natahimik akong muli. Napapasulyap ako sa matangos na ilong ng aking boss at patungo sa kaniyang makakapal na kilay. Para tuloy itong laging galit.


"Did you do well on your exams?" kaswal na tanong nito paglipas ng katahimikan.


Lumaki ang aking mga mata sa gulat. Hindi ko nanaman alam ang sasabihin. Kinukuryente ang aking palad ngunit mukhang normal lamang kay Sir Ram ang tanong na ito. Napataas ang kaniyang kilay sa aking gulat na ekpresyon.

Gusto kong humanap ng glue sa desk ni Sir Ram. Lumuwag ang aking  mga turnilyo at nawawala ako sa huwisyo. Ano bang nangyayari sa atin, Chrissy?!

Tumango na lamang ako rito ng dahan-dahan imbes na sumagot. Baka spanish ang maisagot ko rito kapag nagkataon.

The PristineWhere stories live. Discover now