"May problema ba?"takang tanong ko. Nagkatinginan kami saglit bago nya binalikan yung tinatapos na assignment.

"Baka nakalimutan mong may practice tayo sa Sabado...bat ka uuwi? Gusto mo lang makita yang si Lou Anne eh..." halatang may inis sa tono nya.

"Half day na lang daw yung practice sabi ni coach. Di mo ba nabasa yung update nya?Tsaka wala namang problema kung gusto kong makita yung friend kong yun ah?" sagot ko.

"Lage ka nalang nakikipagkita sa kanya.Kami nga na mga friends mo dito di mo na nga sinasamahan eh...Ako nga na bestfriend mo lage mong iniiwan sa ere."Lalo pang nainis ang boses nya.

Haay nako Mika kung alam mo lang kung bakit kita iniiwasan. Pero naguilty ako ,tama nga sya. Naturingan pa kaming mag best friend pero ni hindi ko nga alam kung anong latest sa kanya ngayon.Ayokong maging awkward ang usapan kaya biniro ko sya ng

"Uyy selos sya ...wag ka na selos dyan..." sabay abot ng paa nya para kilitiin.

"Eh ano ngayon kung nag seselos ako? Wala naman akong magagawa di ba? Best friend kontra new friend? Eh di dun ka sa new friend mo....sumasama ka lang naman saken pag di ka pinansin nung babaeng yun ah. Dyan ka na nga...."

Tuluyang nagwalkout si Mika. Gusto kong matuwa dahil nag seselos sya. Pero ayokong sumama sa lakad na kung saan nakabuntot samen yung bago nyang manliligaw. Dahil baka pag nagkataon eh ako ang hindi makapagtimpi ng naramramdaman. Alam kong pumunta sya sa kwarto ni ate Kim. Iniwasan kong sundan sya dahil minsan hindi napipigilan ni ate Kim ang pag tripan ako,pati mga ibang team mates namin nakikisali na rin. Malakas nga loob nilang gawan kami ng tandem gawat pareho kaming single sa ngayon. Nandyan pang nadadagan pang mga fans kuno naming ayginawan kami ng ship na tinawag nilang 'KARA'. Nakakatuwa nga eh,buti pa ang ibang tao nahahalata nila ang pagtingin ko sa team mate ko ,habang tong isa naman eh napaka manhid. Haay ganun talaga siguro ang buhay.

"Daks..." bungad ko mula sa phone. I called her para iwas din sa kantyaw,narinig ko kasing maraming taong tumambay sa kwarto ni te Kim dahil nandung nakikinuud sila sa laptop ni Mela.

Walang sagot mula sa kabilang linya. Naririnig ko lang ang boses ng nasa paligid nya. Nilakasan ko ang loob ko at inaya sya na

"Labas tayo Daks...after ng practice....Makabawi man lang ako sa akala mong pag iwan ko sayo sa ere...."

Out of nowhere nakaramdam ako ng selos ng maalala kong baka isama pa rin nya yung manliligaw nya kaya di ko napigilang magpahabol ng

"Labas tayo...hmmm yung tayo lang dalawa...Ok lang ba?"

Sandaling napasabunot ako sa buhok habang hinihintay ang sagot nya at the same time nag darasal na sana hindi nya mapansing inaaya ko sya para kahit papano masolo ang babaeng mahal ko.

Binabaan lang naman nya ako ng tawag. Napahiga na ako ng tuluyan sa kama nya habang mahinang sinusuntok ang pisngi ko. Ang sakit ng matanggihan whew! Napabangon na lang ako ng may biglang nagsalita sa may pinto ng

"Sigurado ka ba dyan? Tayong dalawa lang? Walang ibang kasama?" taas kilay nyang sunod sunod na tanong.

"Ikaw at ako lang Mika...Ang gagala I mean...tayo lang dalawa..." mautal utal kong sagot.

Hindi ko inexpect na tatabihan nya ako sa higaan. Bahagyang napayakap sya sabay sabing

"I cancel mo na yung lakad nyo ni Lou Anne...sabihin mo next time na kayo dahil uunahin mo best friend mo intiendes?" dire direcho lang nyang sabi.

Tango lang ang nasagot ko. Kinuha nya ulit ang kanyang libro saka binalikan ang ginagawa,nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Pilit kong pinipigilan ang sariling mapahiyaw at kiligin. Iniimagine ko na ang pagseselos nya kanina ay dahil higit pa sa kaibigan ang turing nya saken. Masakit man pero sasabihin kong ok na rin kahit hindi,libre namang mangarap di ba? Ang importante sa Sabado sya lang at ako ang magkasama. Kaming dalawa,kami lang.

Just Want To Be Where You AreOnde histórias criam vida. Descubra agora