EPILOGUE

4.1K 141 6
                                    

"K-karylle?"

"Ako nga? Mukha ba kong multo?" natatawang sabi ni Karylle.

"T-teka. M-magaling ka na?" nauutal na sabi ni Vice. Lumapit naman sa kanya si Karylle at hinawakan ang kamay niya.

"Oo. Kaya nga nandito ako diba?" nakangiting sabi ni Karylle.

"H-hindi ka na galit sa akin?" patanong na sabi ni Vice. Umiling naman na si Karylle at ngumiti. Hindi naman napigilan ni Vice ang sarili na yakapin ito dahil narin sa galak na kanyang nararamdaman.

"I'm so Happy." saad ni Vice habang nakayakap parin kay Karylle. Kumalas na rin naman siya at tinignan si Karylle.

"Vice, pikit ka." nakangiting sabi ni Karylle.

"Ha? Bakit?" takang tanong ni Vice.

"Dali na." pagpupumilit ni Karylle kaya wala nang nagawa si Vice kung hindi pumikit nalang. Nagpout naman siya dahil alam niyang hahalikan siya ni Karylle pero...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"MEMERRRR! GISING!!!" pasigaw na sabi ni Buern. Nagulat naman si Vice kaya nagising siya mula sa masaya na sanang panaginip .

"Si Karylle?" agad na tanong ni Vice sa mgabakla na nagkakandarapa na sa pagtawa. ".. Anong nakakatawa?"

"Ikaw Memer! May panguso nguso ka pa dyan!" tumatawang sabi ni Archie.

"Tsaka yung pagtawag mo ng pangalan ni Mamey Karylle kanina!" tumatawa ring sabi ni Buern. Binato naman sila ni Vice ng unan na agad nilang nailagan.

"Bakit ba kayo nandito ha?" kunot noong tanong ni Vice sa dalawa.

"Eh diba, gogora tayo sa sementeryo?" sagot naman ni Buern na humupa na ang tawa.

"Ay! Oo nga pala." kamot ulong sabi ni Vice.

"Don't worry Memer, nakabili na kami ng basket na may mga fresh na bulaklak." nakangiting sabi ni Archie.

"Salamat naman. Hala sige. Hintayin niyo nalang ako sa babà."  utos naman ni Vice sa dalawa.

"Aye! Aye! Memer!" sabi ng dalawa at nagsalute pa. Pamartsang lumabas ng kwarto ni Vice na napailing naman.

Agad naman nang inayos ni Vice ang sarili at bumaba narin agad pagkatapos.

-,-,-,-,-,-,-

Pagkarating sa sementeryo ay pumunta na agad sila Vice sa pinaglibingan ng kanilang anak.

"Ang cute talaga ng name ni Bagets." manghang sabi ni Buern at nilagay sa may tabi ng puntod ang dala dalang basket ng bulaklak.

"Naman. Bagay lang sa kanya dahil cute siya." nakangiting sabi naman ni Vice.

"Sayang, hindi natin siya nakasama nang matagal. Dapat may inaanak na kami." tila malungkot na sabi ni Archie.

"Well, wala na tayong magagawa kung yan ang ipinagkaloob ng Diyos sa amin. Siguro may perfect timing para sa lahat." seryosong sabi ni Vice at umupo sa damuhan. Hinawakan naman niya ang puntod ng anak.

'Anak, tulungan mo naman akong mapatawad ng mommy mo. Alam kong ikaw ang guardian angel namin diyan sa langit. Kahit hindi ka namin nakasama at makakasama nang matagal. Mahal na mahal ka namin. Please, help Daddy ha Baby. Help mo din si Mommy na gumaling na siya.' usal ng isip ni Vice habang pinagmamasdan ang puntod ng anak.

Bigla namang nagring ang cellphone niya kaya agad niya itong kinuha.

Anne Curtis Calling...

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Where stories live. Discover now