Chapter Two

4.2K 125 0
                                    

Karylle's POV

".... Nahihibang ka na ba Vhong Navarro ha?" kunot-noong tanong ko kay Vhong. Nahihibang na tong lalaking toh eh.

"Sige na kasi Bruh, diba kailangan mo ng pera? Ito na yun oh. Pera na mismo lumalapit sa'yo. Inaayawan mo pa." depensa naman agad ni Vhong.

"Ehh Kasi naman Vhong, hindi ko kaya.. Alam kong kailangan ko ng pera pero hindi sa gantong paraan." sabi ko sakanya at umupo sa upuan malapit sa kama ni Mama at hinawakan ang kamay nito.

"Pero K, para naman ito kay Tita Z eh. Pumayag ka na." pagpipilit pa ni Vhong. "... Karylle, malaking pera ang kapalit kung papayag ka."

Umiling ako, "No. That's Final. Kaya ko ito. Pagsubok lang naman ito sa akin.. Sa amin." pagmamatigas ko pa rin. Narinig ko nang napabuntong hininga siya.

"Basta ha, kung kailangan mo ng tulong ko. Handa akong tumulong." sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

Tinignan ko si Mama.

'Pa'no kung tanggapin ko yung sinasabi ni Vhong? Pero, hindi ko talaga kaya yung sinasabi niya. Magiging Nanay nang wala sa oras? Iniisip ko palang, parang hindi ko na kaya. Sabihin pa niyang insemination ang gagamiting process. Hindi ko parin kaya dahil nangako ako kay Mama na hindi ako magbubuntis hangga't wala akong asawa. Hindi na kasi namin kasama si Papa, naghiwalay sila dahil may babae si Papa. Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na iyon. Hinding hindi...........'

**Flashback**

"Ano ba Esto?! Nagawa mo pang mambabae?! Kulang pa ba kami ng anak mo ha?!" rinig kong sigaw ni Mama sa kwarto nila. Lumabas ako ng kwarto ko at lumapit sa pinto.

"Hindi naman tayo Mag-asawa diba?! Tsaka pakealam mo ba?" sigaw pabalik ni Papa. Narinig kong umiiyak si Mama.

"Mabuti pa siguro maghiwalay nalang tayo."

"Mabuti pa nga! Nang wala nang pipigil sa gusto kong gawin sa buhay ko! Bahala ka na sa buhay niyong mag-ina!"

Pagkatapos kong marinig ang sigaw ni Papa ay lumabas siya nang kwarto nila ni Mama na dala ang isang itim na bag. Tinignan niya ko na parang hindi niya ko anak. Doon ako umiyak. Akala ko mapipigilan ko siya pero mali ako. Dumiretso siya palabas ng bahay. Nilapitan ako ni Mama at pinunasan ang pisngi ko na basang basa ng luha.

"Shh. Don't cry Baby, Mama will take care of you." sabi ni Mama na umiiyak din. Tumango ako at pinunasan din ang luha niya.

Yinakap niya ko bago muling magsalita. "Promise me na mag-asawa ka muna bago ka mag-anak. Mahal na mahal kita."

**End Of Flashback**

Tinignan ko ang mukha ni Mama. Sobrang hina. Wala yung saya na dati'y lagi kong nakikita. Gagawin ko ang lahat ng trabaho, wag lang siyang mawala sa akin. Mahal na mahal kita Mama. Hinalikan ko ang kamay niya.

"Ate K?" rinig kong tawag sakin ng taong nasa may pinto. Napatingin naman ako. Lumapit siya sa kinaroroonan ko.

"Mhel, ikaw na muna bahala kay Mama ha. May gig kasi ako ngayon... Kailangang kailangan ko kasi eh." sabi ko kay Mhel. Kapitbahay namin na isang matalik na kaibigan.

"Opo, Ate K. Ako na bahala kay Aling Z." nakangiting sabi ni Mhel at nginitian ko naman siya pabalik.

"Thank You, Mhel." sabi ko sa kanya ay yinakap nang saglit.

"Wala yun, Ate. Kayo pa ba!"

"Basta, tawagan mo ko kung may nangyari ha." paalala ko sa kanya.

"Okay Ate. Sige na, baka mahuli ka pa." sabi niya kaya tumango nalang ako. Sinulyapan ko pa si Mama bago lumabas ng kwarto.

-

Nang makarating ako sa Resto Bar ay marami nang tao. Sinalubong naman ako ni Jhong, bartender dito.

"Yow! Balita ko, may nangyari kay Tita Z ah?" bati niya sakin at nakipagBro Fist.

"Oo eh. Kaya kailangan kong magdoble kayod ngayon. Kailangang kailangan ko ng pera." sagot ko sa kanya at nag-ayos ng gamit.

"Ahh. Nandito lang ako para tulungan ka ha. Magkano ba kailangan mo?" mayabang na sabi niya.

"80,000 pesos." tipid kong sagot sa kanya.

"W-what? Nagbibiro ka lang diba?" gulat na tanong niya na nakapagpatawa sa akin nang mahina.

"Hindi ako nagbibiro, sige na! Doon ka na! Mag-aayos pa ko eh." pagpapalayas ko sa kanya. Umalis din naman siya agad dahil marami nang tao sa labas.

-

Pagkatapos kong umawit nang halos limang kanta ay bumalik na ko kung nasan ang mga gamit ko.

"Ah, Karylle?" napatingin naman ako sa may pinto.

"Bakit Boss?" magalang kong sabi sa kanya. Lumapit naman siya sakin at inabot ang isang puting mahabang envelope. Kinuha ko naman ito.

"Yan ang sahod mo ngayon, hindi ka parin nagbabago. Ang ganda parin ng boses mo! Balik ka ulit dito bukas ha?" nakangiti niyang sabi. "Nabalitaan ko rin ang nangyari kay Zsazsa. Tutal magaling ka naman talaga, dinagdagan ko na yan."

Binilang ko yung lamang pera nito. O.O

"T-ten Thousand? Parang ang laki po masyado nito, Boss." umiiling kong sabi sa kanya. Binibigay ko naman ito pabalik sa kanya.

"No. No. Iyo yan Karylle." nakangiti niyang sabi. Tumango nalang ako.

Bigla namang nagring ang Cellphone ko.

Mhel Calling...

Bigla akong kinabahan.

"Sagutin ko muna po, Boss." sabi ko kay Boss. Tumango naman siya at nagsign na lalabas na siya.

Agad ko namang sinagot ang tawag mula kay Mhel.

Parang gumuho ang paligid ko nang nagsalita si Mhel sa kabilang linya.

"Ate Karylle, si Aling Z... Biglang nangisay.. N-nasa operating room siya.."

---xx---

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon