Chapter Four

3.9K 122 2
                                    

(A/N: Iibahin ko nalang yung format.. Hehehe. Yun lang! ^.^)

---xxx---

Karylle: Vhong naman! Bakit mo pa kasi sinabi sa kanya yun?!

Vhong: Sorry K, wala na kasi akong maisip para makatulong sa'yo eh.. Mayaman si Vice kaya naisipan ko yun.

Napabuntong hininga si Karylle dahil pinipilit pa rin siya ni Vhong na pumayag sa kagustuhan ni Vice.

Karylle: Paki sabi sa kaibigan mong bakla, hindi ako papayag!

Vhong: Alam ko namang galit ka sa mga bakla, pero K.. Siya lang ang tumulong sa'yo para maoperahan si Tita Z.

Karylle: Alam ko naman pala eh pero anong ginawa mo?

Napayuko si Vhong sa sinabi ni Karylle at walang nasagot.

Karylle: Look, alam ko namang gusto mong makatulong sa akin... Kay Mama. Pero sa gantong paraan? Vhong naman... Sino bang hindi maiinis? Pinipilit niyo ang isang taong ayaw gawin yung pinapagawa niyo.

Vhong: Pero Karylle, hindi mo ba naisip na kapag tinanggap mo yun. Pwede nang guminhawa ang buhay niyo ni Tita Z.

Karylle: Kahit anong pilit mo. A-yo-ko!

Vhong: Pero Ka----

Karylle: Tama na Vhong. Sabihin mo nalang sa kaibigan mo na, Babayaran ko siya sa pinangbayad niya dito sa ospital.

Napabuntong hininga na lang si Vhong. Sabay na rin silang bumalik sa may labas ng OR. Sakto naman at kalalabas lang ng Doctor mula rito kaya agad na lumapit dito si Karylle.

Karylle: Uh, Doc.. K-kamusta po si Mama? O-okay na po ba siya?

Doctor: Yes K.. The operation was successful. Ililipat nalang siya sa room niya. For now, she needs to stay here in the hospital for at least one week for some observations and you will take her home.

Nabuhayan naman ng loob si Karylle at parang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa mga narinig.

Karylle: Thank You Doc!

Doc: No Problem. I should go now. You're Mom will bring to her room.

Ngumiti na lamang si Karylle sa Doctor bago ito tuluyang umalis. Bumukas naman ang pinto ng Operating Room at tinutulak ng mga nurse ang kama kung nasaan ang Mama ni Karylle. Sinundan na lamang nila ito hanggang sa makapasok sa kwarto.

Karylle: Teka. Nurse, hindi ito yung room ni Mama.

Tumingin naman sa kanya ang Nurse at tinignan ang hawak nitong papel.

Nurse: Hm. Room #14. Yun po nakalagay dito.

Karylle: Pero sa Room #26 siya dapat, baka mali yan?

Nurse: Diba po ikaw si Ms. Karylle Tatlonghari?

Tumango naman si Karylle bilang sagot.

Nurse: Tama lang po Ma'am. Dito po talaga ang room ng Mama niyo.

Karylle: Pero diba, may bayad dito?

Nurse: Yes Ma'am. Pero ayon po dito, wala na po kayong dapat alalahanin dahil bayad na po lahat.

Naguluhan naman si Karylle at napatingin sa kinaroroonan nila Anne at Vhong na nagkibit balikat naman nang huli. Bumalik ang tingin niya sa Nurse.

Karylle: Pwede ko bang malaman kung sino yung nagbayad?

Tsinek naman ng Nurse ang papel.

Nurse: JMBV lang po ang nakalagay dito Ma'am.

Lalo namang naguluhan si Karylle pero tumango nalang naman siya.

Nurse: Sige  po. Mauna na po ako.

Pagkaalis ng Nurse ay lumapit na sila Karylle sa bed ng Mama niya. Tumingin naman siya kay Anne at Vhong.

Karylle: Sabihin niyo nga sakin, kilala niyo ba yung JMBV na yun?

Nagkatinginan na lamang si Vhong at Anne. Mukhang wala na silang kawala kaya napaamin na lang si Anne.

Anne: Yes K. Si Mr. Viceral tsaka yang JMBV ay iisa. JMBV stands for Jose Marie B. Viceral.

Karylle: Ano bang plano niya? Pagpatong patungin ang utang ko?

Anne: Eh Gurl, gusto ka lang niyang tulungan.

Karylle: Tulungan pero may kapalit?

Napaupo naman si Karylle sa katabing upuan ng kama ng Mama niya.

Vhong: Pumayag ka na kasi, ikaw lang din ang mahihirapan.

Karylle: Sa tingin niyo ba hindi ako mahihirapan kapag ginawa ko yung gusto niya?

Natahimik naman ang dalawa.

Karylle: Kahit ano pang sabihin niyo, hindi ako papayag.

-,-,-,-

Umalis sandali si Karylle sa ospital at umuwi para makapagpalit ng damit at linisin ang inuupahan nilang apartment. Naiwan naman sa ospital sila Vhong at Anne na binabantayan ang Mama ni Karylle na nagising na mula sa pagkakatulog niya dahil sa operasyon.

Anne: Okay ka na ba talaga Tita Z?

Zsazsa: Oo Anne. Wag na kayong mag-alala.

Vhong: Mas nag-alala po talaga ng todo si Karylle.

Zsazsa: Thank You sa inyong dalawa at nandyan kayo para kay Karylle.

Anne: It's definetely okay Tita. We're friends naman po diba.

Napangiti naman ang Mama ni Karylle. Bigla namang bumukas ang pinto. Akala nila ay si Karylle ito pero isang lalaki(?) na nakasuot ang black ripped jeans, printed V-neck shirt  at Jeremy Scott wings na sapatos idagdag pa ang kanyang gold hair extensions at light make-up. May dala itong bouquet. Lumapit naman siya sa kinaroroonan.

Zsazsa: Sino siya?

Vice: Hello po Tita. Tawagin mo nalang po akong Vice. My nickname.

Ngumit na lamang si Zsazsa. Inilapag naman ni Vice ang mga dala niya sa may side table. Nilapitan naman ni Vhong si Vice at binulungan.

Vhong: Nanliligaw ka ba Brad?

Vice: hindi, nanunuyo lang. Charot. Hindi ba pwedeng bumisita?

Vhong: Wow ha? Alam mo na ang salitang Bisita.

Vice: Tse!

Vhong: Wag masyadong maEffort. Baka mareject ka lang nang maReject.

Vice: This time, hindi na ko marereject. I promise that. Mark my words, Navarro.

---xxx---

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Where stories live. Discover now