Twenty-Three

3.6K 130 7
                                    

After 2 years...

"Sure ka bang kaya mo?" nag-aalalang tanong ni Vice kay Karylle.

"Ano ka ba, Daddy. Kaya ko nga." natatawang sabi ni Karylle.

"Eh baka naman.." pabaklang sabi ni Vice. Natawa naman sa kanya si Karylle.

"Tara na nga. Kaya ko naman eh, don't worry. I can handle." nakangiting sabi ni Karylle.

"Nako! Sinasabi ko sa'yo asdfkslanxjsmxjdnd." banta ni Vice pero tinawanan lang si Karylle.

"Tara na kasi, Ddy. Ngayon nga lang tayo ulit pupunta sa sementeryo eh." sabi ni Karylle at napapout pa. Hinigit naman siya ni Vice at nagsmack sa lips niya.

"Oo na. Nagpout ka pa eh. Magbihis ka na." malambing na sabi ni Vice dito.

"Okay na 'to, tara na." aya ni Karylle at hinila si Vice kaya nagpahila nalang naman siya.

-,-,-,-,-,-,-,-

Pagkarating nila sa sementeryo ay nagpunta sila kung saan nakalibing ang anak nila. Inaalalayan naman ni Vice si Karylle.

"Sure kang kaya mo ha?" tanong pa ni Vice kay Karylle.

"Oo nga. Kaya ko promise. Tsaka nandito na tayo oh." nakangiting sabi ni Karylle. Napangiti nalang din naman si Vice at pinagpatuloy ang paglalakad.

"We're here na, Anak." nakangiting sabi ni Vice. Naglatag naman siya ng tela sa damuhan at inalalayang umupo si Karylle. Tinignan naman ni Karylle ang puntod ng anak nila at hinawakan ito.
            
                   R.I.P
Dainty Marylle T. Viceral
Date of Birth: March 14,2014
Date of Death: March 14,2014

"Dainty Marylle..." nakangiting pagbigkas ni Karylle. Inakbayan naman siya ni Vice dahil nararamdaman niyang anytime, magbebreak down na ito. ".. I'm sorry if Mommy didn't visit you ha. Ngayon lang. I'm sorry anak."

Hinahagod naman na ni Vice ang likod niya dahil tuluyan na siyang umiyak.

"Sorry kung hindi kita naalagaan. Mommy's fault kung bakit hindi ka namin kasama ngayon." humihikbing sabi ni Karylle.

"Karylle, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kang kasalanan.. It's God will." pag-aalo pa rin ni Vice kay Karylle. Himihikbi naman si Karylle dahil hindi niya maiwasang sisihin ang sarili kaya namatay ang anak nila.

"Bakit Dainty Marylle ang naisip mong pangalan?" tanong ni Karylle na medyo umalo na mula sa pagkakaiyak. Nakasandal din ang ulo niya sa balikat ni Vice.

"Dainty means beautiful. Kasi ang ganda talaga niya nung pinanganak mo siya. Marylle naman dahil sa pinagsamang pangalan natin. Marie plus Karylle equals Marylle. Wala kasi akong maisip eh." sagot naman ni Vice at parang nahiya.

"Siguro maganda talaga siya 'no? Sayang hindi ko siya nakita.." sabi ni Karylle at nagcrack nanaman ang boses niya. Inalo naman agad siya ni Vice. ".. Thank You Ddy ha? Kahit.. Kahit, nawala agad siya sa atin. Binigyan mo pa rin siya ng pangalan."

"Syempre naman ano. A beautiful creature like her deserves to have a beautiful name. Kasing ganda ko yata siya." pagmamalaki ni Vice kaya nakatanggap siya ng hampas mula kay Karylle. ".. Joke lang 'to naman. Syempre mana talaga sa'yo no. Ganda kaya ng asawa ko."

"Asawa? Hindi ka pa nga nagpropropose dyan eh." pabirong sabi ni Karylle kaya natawa naman sila.

"Pero Vice seryoso, thank you dahil hindi mo ko iniwan hanggang sa makarecover ako at kahit napagtabuyan kita." nakangiting sabi ni Karylle.

"'to naman. Wag ka na ngang ganyan. Drama eh." natatawang sabi ni Vice. Napangiti nalang si Karylle at yinakap ang bewang ni Vice.

What happened 2 years ago?

"Iligtas niyo si Karylle, kahit siya nalang."

"Are you sure about that?" tanong muli ng Doctor.

"Yes Doc. Desidido na ko." matapang na sabi ni Vice. ".. Hindi ko hahayaang mawala ang taong mahal ko."

"Pero Brad, paano yung bata? Pa'no kung mamatay?" nag-aalala ring tanong ni Vhong. ".. Diba matagal mong hinitay to?"

"Alam ko Vhong. Isasakripisyo ko ba ang buhay ni Karylle para makuha ang gusto ko? Kung mamatay man ngayon ang anak ko, alam at siguradong nasa piling na siya ng Diyos. Pero si Karylle, minsan lang siya dumating sa buhay ko." seryosong sabi ni Vice kaya natahimik nalang si Vhong.

"Doc, parany awa niyo na. Gawin niyo ang lahat para maligtas si Karylle.. Kahit siya nalang. Nagmamakaawa ako." sabi ni Vice at tumango ang Doctor. Pumasok naman na ito agad pabalik sa OR.

Nagbreak Down namang muli si Vice at patuloy naman siyang kinocomfort ng mga taong nasa paligid niya. Tumayo naman muli si Vice at tumungo sa chapel ng ospital. Lumapit siya sa pinakaaltar at lumuhod. Nagdasal siya habang patuloy sa pag-agos ang luha niya.

'Diyos ko. Wag mo pong pababayaan si Karylle. Kung sa loob niyo'y para sa amin talaga ang bata.. Masaya ko siyang tatanggapin sa buhay namin. Kung hindi naman naaayon sa kagustuhan mo na makapiling namin siya nang mas matagal. Nasasaiyo po iyon Diyos ko. Ikaw po ang nakakaalam ng mga mangyayari, ang tanging hinihiling ko lang po sa'yo ay h'wag mo munang bawiin sa akin si Karylle. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala rin siya sa akin. Mahal na mahal ko siya. Kaya please, wag mo muna siyang kunin.' umiiyak na usal ng dasal ni Vice.

Matapos magdasal ay bumalik na siya sa may labas ng OR na parang lantang gulay. Umupo siya muli sa tabi ni Vhong.

"Brad, may kailangan kang malaman." sabi ni Vhong. Hindi naman sumagot si Vice pero sign iyon na ituloy ang sasabihin niya.

"Uhm, si Yael.." pumintig naman ang tenga ni Vice at napatingin kay Vhong. ".. Wala na siya."

"P-pano'ng wala na siya?" takang tanong ni Vice.

"No'ng papunta daw siya dito dahil nalaman niya kay Tita Z yung nangyari. Nagmadali daw siyang pumunta dito. Pero sa di inaasahang pangyayari, n-naaksidente siya. Maraming dugo agad ang nawala kaya.. Kaya agad daw siyang binawian ng buhay."

---xxx---

Zomggg. Hindi po ako murderer!!! XD huehue. Sorrna. TT^TT

#ViceRylleFTW :--((((

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Where stories live. Discover now