Chapter Twenty

3.4K 121 14
                                    

---xxx---

Lumipas pa ang ilang mga araw at mga buwan, habang tumatagal ay lumalalim ang samahan ni Vice at Karylle dahil pinag-uugnay sila ng batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. Pilit man nilang itanggi ay tila nakakaramdam sila ng hindi dapat nilang maramdaman para sa isa't isa. Mas naging magaan ang loob ni Karylle kay Vice at parang nawala na ang 'phobia' niya sa mga bakla.

Seven Months later...

Karylle's POV

"Baby? Ang laki mo na dyan ah. Labas ka na kaya..." sabi ni Vice habang nakahawak sa tiyan ko, halos seven months na kasi kaya malaki na ang tiyan ko.

"Baliw ka talaga, Vice." natatawa ko namang sabi sa kanya at hinampas ang braso niya. Ganyan yan, laging kinakausap yung tiyan ko.

"2 months nalang magkakasama na tayo Baby." malambing na sabi pa niya. Napapangiti nalang ako sa tuwing ganyan siya. Sa lumipas na mga buwan, inaamin kong lumalalim ang pagsasamahan namin, minsan tabi kaming matulog dahil para daw maprotektahan niya kami ng anak niya. Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.

Yael Calling...

Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay napatingin agad ako kay Vice.

"Oh, sino yang tumatawag? Bakit ayaw mong sagutin?" tanong naman sakin ni Vice na halatang curious.

"A-ahh. Wala naman.." sabi ko at inend ang tawag. "... Uhm Vice, bukas nalang ulit ha. Magpapahinga na kami ni Baby."

"Edi magpapahinga na rin ako. Tabi ta----"

"H'wag muna ngayon. Uhm, bukas nalang ha. Sige na. Punta ka na do'n sa kwarto mo. Gusto ko na kasing magpahinga eh. Go na." nag-aalangan kong sabi sa kanya. Kahit halatang naguguluhan ay tumango naman na siya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Lagi naman siyang ganyan kaya sanay na ako. Nginitian ko lang siya. Lumabas naman na siya sa kwarto ko. Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Dinial ko ang huling tumawag sakin na hindi ko sinagot kanina.

"Hello? Karylle? Bakit pinatay mo kanina yung tawag ko?" bungad sa akin ni Yael. Huminga lang ako ng malalim.

"Bakit ka ba napatawag?" tanong ko naman sa kanya.

"Bakit? Masama na bang tumawag sa Girlfriend ko?" sarkastikong sabi niya. ".. O sadyang busy ka lang dahil lagi mong kasama si Vice? Diba sabi mo ako ang mahal mo?"

"Oo, ikaw naman talaga ang mahal ko. Pero dala dala ko ang anak ni Vice.." sabi ko nalang sa kanya.

"Bakit hindi ka man lang magtext sa akin? Kapag tatawag ako minsan pinapatay mo lang? Kapag gusto kong makipagkita sa'yo sasabihin mo hindi pwede. Bakit? Dahil kasama mo si Vice!" madiin niyang sabi. Nakaramdam naman ako ng kakaibang guilt.

"Hi-hindi sa gano'n Yael, talagang ganun lang dahil maselan ang kalagayan ko ngayon, intindihin mo naman na buntis ako." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ilang beses ba kitang dapat intindihin Karylle? Kung talagang mahal mo ko, magkita tayo bukas sa paborito nating restaurant." sabi niya sa kabilang linya. Sigh.

"Okay. Sige. Magkita tayo bukas." sagot ko nalang sa kanya.

"Sige. I love you Karylle." sabi niya pa.

"I-I Love You too. Sige na. Magpapahinga na ko." paalam ko sa kanya, pagkatapos ay inend ko na abg tawag. Bumuntong hininga pa ko bago bumalik sa kama para makapagpahinga na.

-******-

Vice's POV

"Oh, sino yang tumatawag? Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ko kay Karylle dahil biglang nagring ang cellphone niya pero parang nag-aalangan siyang saguting iyon.

"A-ahh. Wala naman.." sabi niya at parang dinecline ang tawag. "... Uhm Vice, bukas nalang ulit ha. Magpapahinga na kami ni Baby."

"Edi magpapahinga na rin ako. Tabi ta----"

"H'wag muna ngayon. Uhm, bukas nalang ha. Sige na. Punta ka na do'n sa kwarto mo. Gusto ko na kasing magpahinga eh. Go na." parang nag-aalangan niyang sabi sa akin. Kahit naguguluhan ay tumango naman nalang ako at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Lumabas na ko ng kwarto niya pero parang may tinatago talaga siya sa akin kaya naisipan kong magstay sa labas ng pinto niya. Tinapat ko din ang tenga ko sa may malapit sa pinto. Maya maya, narinig ko siyang nagsalita. May kausap yata sa telepono.

"Bakit ka ba napatawag?"

Siguro yung tumatawag kanina na inend niya..

"Oo, ikaw naman talaga ang mahal ko. Pero dala dala ko ang anak ni Vice.."

Napatakip ako ng bibig sa narinig ko. 'ikaw naman talaga ang mahal ko.' Anong ibig sabihin mo Karylle? :-(

"Hi-hindi sa gano'n Yael, talagang ganun lang dahil maselan ang kalagayan ko ngayon, intindihin mo naman na buntis ako."

Yael? Akala ko ba, walang namamagitan sa kanila? Karylle, bakit kailangan mong magsinungaling? </3

"Okay. Sige. Magkita tayo bukas."

Naramdaman kong may umaagos na luha sa pisngi ko. Masyado akong nasasaktan sa mga naririnig ko. Lalo na ang huling narinig ko mula kay Karylle.

"I-I Love You too. Sige na. Magpapahinga na ko."

Saglit akong napasandal sa pader malapit sa pinto ni Karylle habang patuloy na umaagos ang luha ko. Bayan. Akala ko, mahal niya na rin ako eh. Umasa lang pala talaga ako. Bakit Karylle? Bakit gan'to? :-(((

-,-,-,-,-,-,-,-

General POV

"Manang pakisabi kay Vice, aalis muna po ako. N-nagpaalam naman na ko sa kanya." nag-aalangang sabi ni Karylle sa maid. Tumango naman ito. Pagkalabas ni Karylle ay hindi niya alam ay nakatanaw sa kanya si Vice na nasa balcony ng kwarto niya na kita ang nasa labas. Sa di malamang dahilan ay tumulo ang luha ni Vice na agad din naman niyang pinunasan.

Tumuloy si Karylle sa paborito nilang restaurant ni Yael na naghihintay na pala sa kanya. Nang makita siya nito ay napatayo siya at inalalayang makaupo si Karylle bago umupo ulit sa upuan niya kanina.

"Karylle, tell me the truth.. Mahal mo ba si Vice?" agarang tanong at seryoso ni Yael kay Karylle.

"H-hindi Yael, diba sinabi ko naman sayo na ikaw ang mahal ko." pilit ngiting sabi ni Karylle.

"Kung talagang mahal mo ko..." seryosong sabi ni Yael at tumayo. Lumuhod naman siya sa harapan ni Karylle na ikinagulat nang huli. ".... Pakasalan mo ko." sabi nito at binuksan ang isang maliit na box na may singsing.

---xxx---

(A/N: Hindi po ito gano'ng hahaba guys. Ilang chapters nalang at tatapusin ko na ito dahil tatapusin ko pa yung "Four Casanova and Me." ^.^

Thanks for the support!! :))

btw, HAPPY 50TH MONTHSARY GUYS :)))

Wanted: Mother For The Gay's Baby ||VICERYLLE|| (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα