Chapter 66

2.5K 120 15
                                    


Yumukod ang bruha sa gilid ni Ivan na tila mahimbing na natutulog. Nakangisi siya sa tulog na kakisigang nasa harap niya. Pinagapang niya ang hintuturo mula sa sentido pababa sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, hanggang sa pusod nito. "What a handsome man you are. It would have been a waste of life if I had let you die." Nakita niyang dumilat ang lalaki.

"Nasa'n ako?" Ginala ni Ivan ang tingin sa hindi pamilyar na silid. Dumako ang tingin nito sa babaeng nasa harap niya. "Ca-Cassandra? Si Errol, nasa'n si Errol?"

"Stay asleep, gentleman," saad ni Cassandra na nilapat ang daliri sa sentido ng binata na agad umitim ang mga mata at pumikit nang muli. "Hindi lang pala kayo basta magkakilala ng tagaingat. Mukhang malapit din kayo. Magkakilala si Cindy at ang binatang iyon. Mukhang magkakilala din kayong tatlo ng alagad ng apoy.

"At kung tama ang hinala ko... Ang mga yanig na iyon sa gubat. Ibig sabihin nandoon din ang isa pa. Konektado kayo sa bawat isa. Mukhang tama ang alamat. Magiging mas madali ang mga susunod kong hakbang." Nakangisi si Cassandra habang tinititigan ang kahubdan ng binatang animo'y natutulog.


Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon