Daliri Sa Daliri

49 4 4
                                    

Isang kunganumanangtawagdito para sa inyo, sa akin, kila AzureSD at DIS0RTED, at sa lahat ng na-curious. Para hindi paulit-ulit ang sasabihin ko dahil medyo nakakainis 'yon, at bilang guide na rin mula sa personal kong opinyon. Charot!

Reminders lang naman from the tips of my fingers. Pwedeng seryosohin, pwede ring hindi dahil hindi naman talaga ako magaling. Pwedeng matuwa, mainis, mag-cartwheel o kumain ng isang libong sampalok, pero pwede ring namang basahin na lang ng mabuti. Open tayo, okay?

Daliri sa daliri, men. Eto na talaga:

1. 'Wag titigil sa pagsusulat.

Aba, lalo na kung gusto mo talaga ang ginagawa mo. Hindi naman lahat ng writer nakakagawa ng bonggang piece sa unang try, well unless kung well-read sya at nagreasearch ng bonggang-bongga without any trials. Pero posible ba talaga na sa unang subok mo, perpekto na ang sinulat mo at pang-international publishing na? Ang galing naman!

Lahat naman tayo nagsisimula sa page 1, 'wag maatat, 'wag mag-assume. Basta, maging masaya ka lang sa pagsusulat at magsikap ka para sa pag-iimprove. Hindi malaking kasalanan na magkamali ka sa hindi mo naman alam, though ignorance is not an excuse. Educate yourself nga raw e.

Halimbawa, hindi mo alam na pwede palang mag-act as big comma ang semi-colon. O 'di naman kaya, hindi mo alam ang pinagkaiba ng ng at nang. Para sa akin, ayos lang yan as long as you'll change it the moment you knew about your wrongdoings; Bilang writer at bilang tao na rin! Pwede pang patawarin 'yung una pero 'yung mga susunod, tapos aware ka pa na mali ka na nga pero tuluy-tuloy ka pa rin, parang hindi na ata acceptable 'yun. (Ang bait ko 'no haha)

KAYA LANG! Hindi naman porke't may makakaintindi ay mananatili ka na lang sa pag-iisip na "Ay hindi ko naman kasi alam."

Educate yourself nga raw.

Another: Reread your works for editing purposes and also, for the ghastly feeling of 'Ganito pala ako dati!'. DO NOT DELETE THEM. Masaya balikan ang nakaraan, pero hindi 'yan tinatambayan.

2. Gawa mo, gawa mo

Tandaan mo 'to: Ang gawa mo ay gawa mo. 'Wag kang papayag na may ibang magdidikta kung ano ang kabuuan ng storya mo... well unless sumali ka sa contest o 'di kaya naman ay may boss kang babayaran ka BUT STILL! Pwedeng may inspirasyon ka, may boundaries ka, may magsasabi sa'yo ng standards pero h'wag kang ano. GAWA mo 'yan. Paano mo masasabing "Huh! Akin 'yan." kung kinuha mo lang naman sa iba at pinalitan mo lang ng bahagya. Minsan kasi may mga bagay tayong hinahayaang manghimasok sa ginagawa natin kahit hindi naman dapat. Basta nga, tandaan mo: Gawa mo, GAWA mo. Sa'yo 'yan.

3. Ano ba talaga?

Ano ba talaga ang ipinunta mo sa mundo ng pagsusulat? Kanino ka ba nagsusulat, para sa sarili mo o para sa kasiyahan ng ibang tao? Tanungin mo sa sarili mo 'yan bago ka gumawa ng katha. Ano ba talagang dahilan mo sa pagsusulat? Kasi kung ginagawa mo 'yan para sumikat lang, aba, nakaka-offend ka naman.

Marami akong nakikitang nagpopromote, nagpapabasa, o gumagamit ng pangalan ng iba para makilala. Marami akong nababasang story na aakalain mong maganda dahil sa dami ng reads, votes, at sa dami ng followers ng writer. Dumating sa punto na nagtaka ako kung bakit ganun. Bakit parang binasta-basta nga lang ang pagsusulat at hindi pa pinahalagahan ang mga dapat pahalagahan? Bakit parang nagdagdag na lang sya ng nagdagdag ng chapters at pinaulanan ng kalokohan ang storya para lang dumami lalo ang nagbabasa...?

Pero naisip ko rin na baka mataas lang masyado ang standards ko HAHAHAHA.

Ayun lamang. Naisip ko lang magsulat ng ganito since, apparently, I review works.

Happy writing!

Open for food donations,
Seurichan
Ang Pandang Manunulat

Q and ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon