Sample Work

46 4 0
                                    

By: DIS0RTED

Kanina ko pa siya tinitignan. Namamawis ang mga kamay ko't nanginginig ang mga tuhod ko. Kung siguro'y hindi ako nakaupo ay baka kanina pa ako natumba.

Kanina pa ako nakatitig sakanya't ganoon din siya sa'kin. Mag-iisang oras na din pala simula noong nag lapat ang aming mga mata.

Pumikit ako't sinubukan kong alalahanin iyong aming mga pinagsamahan. Nakakaiyak. Hindi ko mawari kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko't pakiramdam ko'y sasabog ito ano mang oras simula ngayon.

"Time's up. Pass your papers" nang laki ang aking mga mata noong narinig ko 'yung aming guro.

Nagmadali akong sagutan ang test paper na kanina ko pa tinititigan. Bahala na kung mali. Ang importante may sagot.

Q and ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon