Is My Voice Your Type? [S]

36 3 10
                                    

Title: Is My Voice Your Type?
Author: QuiteWriter
Reviewer: Seurichan
Chapters Read: 6
Rate: 6.5


Positive Points:

- Maayos ang pagkakasulat, nakakatuwang basahin dahil may flow ang bawat chapter. Hindi nai-stuck sa emosyon, hindi rin naman nai-stuck sa puro galaw o daldalan.

- Nakakatuwa 'yung mga pinagsasabi ng mga characters, nakakagaan ng mood 'yung mga sinasabi ni Jas, syempre pati na rin 'yung iniisip nya! In short, nakakagiliw~

'Wala po kasing tinta 'yung ballpen ko eh.' <- Eto, eto, eto. Natuwa ako d'yan!

- Hindi pinaulanan ng kung anu-anong kalokohan sa pagsusulat. Cheers!

Negative Points:

- Honestly, common na sa paningin ko ang magkakaibigang may love interest sa isa't-isa (Wattpad man o real life situation meron nyan eh), dagdag mo pa na may isang character na galing sa kung saan na kababata pala nila tapos nai-insecure sa kanya si bidang babae. Medyo boring sa paningin ko ang simula, walang "OMG Ano kayang mangyayari!?", walang "BAKEEEEEETTT???!".

Dagdagan mo sana ng something sa simula pa lang. Dagdagan mo ng isang matinding tanong na mananatili sa utak ng readers hanggang sa 'di nila alam, nasagot na pala ang tanong... tapos biglang... alien pala 'yung isa tapos against sa rule ng universe ang ma-in love sa kanya. 'Yung ganon? May roller coaster? Biglang baba, biglang liko, biglang akyat, pwede ring biglang madilim o biglang may liwanag o 'di kaya naman ay biglang darating ang ulap na nagpapaulan ng starfish. Palawakin mo 'yung nangyayari.

- "Ang alam ko, ganito po magputol ng sasabi-" At hindi na natuloy ni Seurichan ang kanyang paalala dahil hinila na s'ya ni Azure palayo.

Proofread lang katapat n'yan!

Personal Comments: Mas okay kung 'yung notes mo, tungkol lang sa story na 'yun or explanation kung bakit ganito or ganyan. 'Wag mo na idagdag 'yung nasa labas ng story mo. :) And also, before writing notes tanungin mo muna ang sarili mo kung gusto ba nilang malaman or for plain info lang na BAKA lang naman gusto nilang malaman. Ano ba talaga? Anong gusto mong basahin nila, story mo o 'yung kaganapan sa buhay manunulat mo? O 'yung iba mo pang sinulat?

Vote this update, okay? Share our book review chemelu and follow us! :)

Annoying.

Kung sabagay, story mo naman 'yan but as a reader, nakakawala lalo ng interes kung 'yan ang mababasa ko palagi. Magvote sila kung gusto nila! I-follow ka nila kung gusto nila! I-share nila kung gusto nila! You don't need to remind them about it every chapter.

Write and proofread lang, to be honest.

Open for clarifications and violent reactions,
Seurichan

Q and AOnde histórias criam vida. Descubra agora