C12- OVERHEARD CONFESSION

3.9K 91 8
                                    

Paolline's P.O.V


Nandito ako ngayon sa bahay namin. Wala na pala ang mommy ko. Hindi na naman makakauwi 'yon dito. Sure ako do'n kasi doon na 'yon araw-araw matutulog sa office n'ya. Hindi naman ako nagagalit tungkol do'n. 'Yong totoo nga natutuwa pa ako e ^0^.  Syempre magagawa kong gawin ang mga gusto ko e, HAHAHA.

Nag-aayos lang ako ng gamit ko dahil papasok pa ako. Nakakatamad namang pumasok dahil ang boring sa school. Plus 'yong mga students pa sa paligid mo na halos lahat nakatingin sa'yo -_-. Ayoko ng attention talaga. Kung pwede lang lumipat ng school ginawa ko na!. Parang nawalan lang ng silbe ang paglipat ko ng school, hays.

Pero hindi ko mapigilang hindi ma-excite mamayang gabi sa concert nila Ian. Can't wait! ^_^

Okay!. Ready na ako sa school. Hihintayin ko nalang si Ian ngayon. Araw-araw na kasi akong sinusundo't hatid ni Ian kaya nasanay na ako na araw-araw din ay hintayin siyang sunduin ako sa bahay.

Nakaupo lang ako sa labas ng pintuan ng bahay namin. May hagdanan kasi ito na mga tatlong floor lang kaya dito ako naupo kapag hinihintay ko si Ian.

Natulala nalang ako nang maalala ko ang mga pangyayari kahapon. Ano naman kayang ibig sabihin ni Ian doon?. Bakit siya nag-walkout?. Tyaka parang may hindi ako alam e. 

Katulad 'yong nangyari sa jollibee. Bakit ganoon nalang kung sagutin ni Jadden si Ian? (guys remember kapag si Mich ang nagpopov ay jadden ang tawag n'ya kay cj). Parang kasalanan ko pa 'yong pag-arte ni Jadden doon. Kasalanan ko nga ba? Ako ba ang may gawa kung bakit gano'n si Jadden?

Pero parang hindi rin e!. Alam kong hindi 'yon basta acting lang. Parang may iba pang dahilan. Parang may pangyayari na hindi ko talaga alam. Siguro talagang hindi ko pa sila kilala. Well bago pa lang naman ako sa school at sa bandang 'yon no.

Napatingin naman ako sa relo ko. 6:49 am na pala. 

Teka. Bakit wala pa rin si Ian?. Ang pagkakatanda ko 6:30 sakto nandito na si Ian e. Ano 'yon?. 10 minutes akong nakatulala?! -_-. Tyaka bakit wala pa siya?. Baka nakalimutan niya lang?. O baka hindi na niya talaga ako susunduin?. O baka naman may inaasikaso lang. 

'Ano ka ba naman Mich!. Ano namang karapatan mong magalit kay Ian e hindi mo naman s'ya driver para ihatid at sunduin ka!'  I sighed with that thought. Napailing nalang ako't inalis sa isipan ko 'yon.

Okay!. Papasok nalang ako ng mag-isa!. Kaya ko naman e!. HMP!. Bahala si Ian doon sa inaasikaso niya! >3<

Naglakad na ako palabas ng bahay habang nanggigigil pa rin ako sa kakaisip kung bakit wala pa rin si Ian, bigla ko namang naalala--

"Shit!" sabay face palm. 

'Ang tanga kooooooo!. Hindi ako maalam mamasahe papuntang schoooool!. Iyak na mich!. Katapusan ko na talaga to!. Pakshet naman o! -_-.  Bakit ba ako minamalas ngayon?'

Wala na akong nagawa kun'di ang ma-upo nalang ulit sa labas ng bahay namin. Naka-pose ako ng parang tumatae do'n at nangalumbaba habang nakapatong naman ang siko ko sa tuhod ko.

'Kainis kasi!. Bakit kasi hindi ko pa alam ang papunta ng school ko mag-isa?. Paano nalang kung wala talaga akong kaalam-alam sa lugar na 'to?. Ano na'ng mangyayari sa'kin? Uwaaaaaaaaa T_T '

Napayuko na lamang ako habang iniisip kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko.

*Vrum Vrum*

Napatingala ako sa sasakyang nasa harapan ko ngayon.

"*0*"

"Hi Babes!" osige nga hulaan n'yo kung sino siya!

Ang Boyfriend kong SikatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon