Chapter 2: This can't be

37.3K 1K 133
                                    

Trey's POV

I rolled my eyes when I saw Izzy's group. Sila 'yong mga isa sa mga kalat sa paligid na ayaw kong makita sa bawat araw. They often bully me everytime they have the chance. Ang gamit nilang armas ay ang kasarian ko. Sabagay, ano pa nga ba? Naging norm na sa Pilipinas ang ganitong klase ng pang-iinsulto sa community namin. As if it's a crime.

"Hoy, bakla!"

Wala akong oras para patulan sila. Ano naman ang mapapala ko? Tama ng si Ash lang. Sa lalaking iyon pa lang ay ubos na ang pasensya ko, what more sa mga kulugong ito pa.

"Pre, 'di tayo pinansin Pre." Hindi ko na lang sila pinansin at hinayaang tawagin ako sa kung ano man ang itawag nila sa akin.

Kasalukuyan kong hinihintay si Kuya Terrence dito sa labas ng school. Susunduin daw niya ako dahil lalabas kami para kumain at gumala. I'm happy to have a brother like him. Mapang-asar iyon pero mahal na mahal ako nun. We always go outside. Parang nakaugalian na rin namin iyon.

"Hahaha! Hahaha!"

Narinig kong tawa ng mga hunghang. Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong ginawa para pagtawanan nila.

"Teka ano bang pinagtatawanan niyo?" Tanong ng isa sa kanila na sa pagkakaalala ko ay ang slow sa magbarkada.

"Gago, iyang si Trey siyempre."

"Ay, oo nga pala. Hahaha!" At nakisali na rin sa tawa ng mga kasama.

Mga baliw na ata. I didn't do anything aside from standing only. Nagkaubo na talaga ang utak ng mga kumag na 'to.

"Hoy, Trey!" Tawag ni Izzy sa akin. I didn't bother to look at his direction.

"Hoy Trey!" At inulit pa niya.

"Kinakausap ka namin, bakla." Nagbingi-bingihan pa rin ako. They will not stop the moment I give them the attention they want.

"Hoy, bakla! Huwag ka ngang bastos." Nabigla ako nang hawakan ni Izzy ang balikat ko at pinaharap sa kanya. Galit na inalis ko kaagad ang kamay niya.

"Don't touch me!"

I face him angrily. I admit na gwapo naman itong kulugo na 'to pero total turn-off talaga ang pagiging bully niya. Akala niya nagiging cool siya sa ginagawa niya. I already complained him and his group. They were charged for punishment but still, nambunully pa rin.

"What do you want? I don't have time to talk to you."

"Aba, ang tapang mo na ah? Bakit mo sinisigawan ang boss namin!" Angal ng isang kasamahan ni Izzy. Si Cuver.

Kung makaasta ito akala mo naman kung sinong matangkad. Eh pareho lang naman kaming maliit. Kayang-kaya ko siyang sabunutan kapag nagkataon. Matapang lang dahil may mga kasamang higante.

Lyndon naman ang pangalan ng isa pa nilang kasama. The three of them are known for bullying someone like me. Iyong kayang-kaya lang nilang patulan. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nai-expel ang mga 'to. Ang lalakas ng loob dahil mga anak-mayaman kasi.

"He don't have the right to touch me. And can you all stop? Wala kayong mahihita sa akin. Nagmumukha lang kayong papansin."

Galit na tiningnan ako ni Lyndon.

"Sinong papansin?" Lalapitan na sana niya ako pero pinigilan siya ni Izzy. Takot na atang ipatawag sa guidance. I heard they only have last chance. "Atleast hindi bakla."

"Bakla. Puro kayo bakla! Wala na ba kayong ibang pwedeng ipang-insulto sa akin kung 'di yan lang. It's so really obvious. Duh!" Napahalukipkip pa ako sabay ikot ng mga mata.

My Kuya's Bestfriend (Book 1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon