Ch. 12 - CHISMIS (-.-")

2.1K 45 0
                                    

CHAPTER 12 - CHISMIS (-.-")

"Good Morning Honey!"

"Oh Mariz, ikaw pala!"

"Anong oras ka nga pala nakauwi? Ang tagal mo, kaya di na kita naantay, saka pinauwi narin ako ng nanay mo! Gabi na daw baka mapano pako sa daan!"

"ah kasi.. mga 11 nako nakauwi!"

"ELEVEN? WAG MO SABIHING NILAKAD MO YUN HANGGANG SA INYO? O KAYA NALIGAW KA PA?" sa sobrang laksa ng boses ni mariz, napatingin na samin yung mga tao.

"Hindi. Baliw. Nagliwaliw pa kasi ako! Hihi XD"

"Sa sitwasyon mong yan nagawa mo pang magliwaliw? Ayos ka rin ah!"

"Hahaha!" diko lang masabi na magkasama kami ni sir kaya ako ginabi umuwi.

Papunta na sana kami sa room ng nahinto kami dahil dun sa mga babaeng nakatingin samin. Si Mariz siguro, napatili kanina eh.

"Bat ganyan sila makatingin?" para kasing mangangain ng tao yung mga tingin nila.

"Ewan ko mariz. Tara na!"

"Hoy Honey bat hindi mo sinabing kayo na pala ni sir Christian?" sabi sakin nung babaeng parang leader ng grupo nila. Hindi sa panlalait pero di naman sya kagandahan kumpara sakin. Di naman ako ganung kaganda pero mas hindi sya maganda sakin. At ang gara niya manamit. Kasi yung palda niya masyadong maiksi, kung yung samin halos mga hanggang binti, yung sa kanya hanggang tuhod lang. Tapos ang kapal-kapal pa ng make-up niya sa mukha. Napagkamalan nya yatang coloring book yung mukha niya at doon na nag-abstract painting. Mean na sa mean. Pepektusan ko to eh. Siga may patulak-tulak pa sakin, di naman maganda.

"Ha? Hindi ko alam yung sinasabi nyo?"

"Wag mo na ngang ideny, nakita namin kayo sa E.K. Anong ginagawa nyo doon? NAGDEDATE?" Ha? (O.O) date? Sana kaso di naman date yun eh. Teka pano nilang nalaman na nag E.K kami samantalang wala namang EK sa pupuntahan sa Fieldtrip? ehem.

"Teka baka nagkakamali lang kayo!" sabat ni mariz na parang nalilito na.

"Panong nagkakamali? Nakita nga namin." pagpupumilit nung isa, yung pandak na kasama nung parang leader. Lima kasi sila tapos napapalibutan na nila kami. Yung parang leader, matangkad siya kapos naman yung palda. Yung isa mataba, na parang napabayaan sa kusina. Yung isa naman yung maliit nga, tirisin ko to eh. YUng isa naman maitim, nasobrahan ata sa pagpapaTAN. at yung huli nasobrahan naman sa eye liner sa mata, mukha tuloy taga-tulak ng drugs.

"Baka kamukha ko lang?" hehe pano ba ko makakalusot dito?

"Kamukha? Wag ka ngang magjoke. Alam mo wag ka ng magdeny at saka kung may relasyon man kayo, dapat itigil nyo na kasi estudyante ka at teacher sya. Kapag nalaman yan ng principal, panigurado sibak si sir sa pagtuturo. Kaya tigilan mo na. Wag mong sirain yung buhay ni sir." sabi nung leader nila. Teka ang sakit magsalita ah.

"At saka di kayo bagay!" sabi nung naka eyeliner. Bakit sino bagay sa kanya? Ikaw? In your dreams.

"At isa pa! ang panget mo kaya!" Aba sumosobra na tong bansot na to ah, feeling nya kay ganda niya. Mukha naman syang kutong lupang tinubuan ng mukha. Tss

"Ano ba? Tumigil na kayo! Kung makapagsalita kayo parang kay gaganda nyo. At saka pano kayo makakapunta ng EK samantalang di naman tayo pumunta doon ah. Wag nyong sabihing may sarili kayong lakad?" Sabi ni Mariz na halatang gigil na gigil na doon sa mga babaeng yon.

"Hoy para sabihin ko sayo, wala ka ng paki kung pumunta kami doon o hindi. Pumunta din naman yang kaibigan mo doon ah! May kadate pa! At teacher pa sa school nato!" dinuro niya si mariz. Ano ba? diko alm ang gagawin ko.

"Anong pinagsasabi mo? Sya pupuntang EK samantalang naiwan yan kahapon doon sa University na pinuntahan namin? Wag tanga please!"

"Ewan ko sa inyo. Kung naiwan sya....ANG TANGA NAMAN NIYA!" tapos tumalikod na yung babae at iniwan kami.

"Nang-iinsulto ba yun? Abay sasabunutan ko na yun eh!" sususgurin na sana ni mariz kaso pinigilan ko sya.

"Tama na, awat na, wala na mang mangyayari kung papatol tayo. Sayang lang ganda natin sa mga engkantong yon kaya tama na!"

Naglakad na lang ako pagkasabi ko nun, siguro tama lang na ilihim ko yung nangyari kasi baka pagnachismis ulit sabihin pa nila may relasyon kami, kawawa naman si sir. Kasalanan ko pa. Bat kasi bawal ang teacher at student relations eh?

"Tara honey!"

"Saan?"

"Kain tayo, pampatanggal ng Bad Vibes. NakakaBV sila eh."

"sige!"

Pagpunta namin sa canteen. Nakita namin si Rhia. Nandun siya sa sulok kaya ayun dahan, dahan kaming lumapit sa kanya.

"Sige na po sir! Babay na! I Love You!" hwaaaaaaat? Iloveyou? Sir? Ano yun?

"Ha? Sir? I Love You?" Napasigaw si Mariz

"Ha! Wag kayong maingay. yuko yuko!"

Umupo kami dun sa bakanteng table na malayo sa mga estudyante, mala spy kami kung maka-yuko. Wagas eh.

"Anong ibig sabihin nun?"

"Ah kasi.."

"sabihin muna!" mariz

"uy mariz kalma lang!" ako

"Sinong sir yun?" Bakit may Iloveyou? Ano yun?"

"Si sir Gabby yun.. Oo kami kaya may I Love you!"

"Ha? Pero bawal yun ah?"

"Oo kaya nga secret lang namin eh. Secret mag-usap, magkita. Patago lahat"

"Ah ikaw ah! may pagkamakire! Haha"

"Kaya kayong dalawa wag kayong maingay! Kapag may nakaalam na iba. Kayo lang ang sisisihin ko."

"Ok naiintindihan namin!" ako

"Pero panong naging kayo? Pano nanligaw? Kailan naging kayo at legal ba yan?"

"Siguro pagka-graduate ko. OKay na ang lahat."

"Ah" mariz

"Eh pano nga siya nanligaw at pano naging kayo?"

Kinulit kulit ni Mariz si Rhia at tinadtad niya ng maraming tanong. Napaisip lang ako... Kung kaya ni Rica kaya ko din. Ang tanong lang, gusto rin kaya ako ni sir? Bat kasi sa teacher pa eh. Loko lokong puso to eh! :"p

Teacher, Teacher, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon