Ch. 8 - WEDDING BOOTH :*

2.5K 48 0
                                    

CHAPTER 8 - WEDDING BOOTH :*

Honey's POV

"Umaygash INTRAMS na! Naeexcite ako ng bonggang bongga!"

Nagsimula ang event sa pamamagitan ng FUN RUN. Ang saya nga eh, kasi yungmga teachers naming matataba ay tumatakbo din. ahihihi XD pilya ko talaga. Nang makarating na kami sa School, binuksan na nila ang pinakamalaking event. Konting seremonyas at Voila! Sinindihan na nila yung malaking torch sa stage na ang ibig sabihin ay simula na.

Mamayang hapon pa ang laro namin kaya pachill chill lang kami. Habang nagsisihanda yung mga sasali sa SHOWTIME kuno nila kami naman ay pumasok na sa iba't ibang booth.

Ayun nappadpad kami sa Videoke Booth. Lakas ng trip nga ng mga kaklase ko eh at nagsikanta pa. Anong kinakanta???

Dimo alam dahil sayo, akoy di makakain, di rin makatulog buhat ng iyong lokohin. Kung akoy muling iibig sanay di maging katulad mo. Tulad mo namay PUSONG BATO XD Ahha

Tapos nagsisayaw pa ng GANGNAM STYLE kaya dumami yung tao sa Videoke Booth. Ang ingay at ang saya.

Napadpad kami sa Kiss Booth at puro tatak tuloy ng labi yung mga mukha namin. Haha at nakipaghabulan pa kami dun sa bantay sa Jail Booth, ikukulong daw kami eh, nagkahiwa-hiwalay kami ng mga kasama ko dahil sa mga bantay na yun. Ang dami pa namang estudyante, ang hirap makipaghanapan.

Nang mapadpad ako sa stage, may humawak sakin na dalawang C.A.T Officer tapos tinakpan nung isa yung mata ko. Kinakabahan tuloy ako, wala pa naman yung mga ksama ko, baka walang magpiyansa sakin sa kulungan. Ano ba kasi ang ginawa ko? Wala naman siguro akong rules na nilabag ah. NakaPE Uniform naman ako, may ID. halaaaaaaa baka papalayasin nako dito... hindi pwedeee may laban pa kami mamayaaaaaaaa.

"San nyo ba ko dadalhin?"

Teacher, Teacher, I Love YouWhere stories live. Discover now