Chapter 10.2.2

Magsimula sa umpisa
                                    

            Sobrang kirot ng puso ko at hindi ko makuhang makahinga nang maayos. I am so jealous.  At hindi ko na namalayan ang paglalandas ng luha ko sa aking mukha.

           

            Matapos ko makapaligo at mag-emote sa CR ay noon ko na lang napansin na wala pala akong malinis na damit na nabitbit.  Shit!  Naiwan ko sa upuan sa taas ng bahay nila!  Oh what the hell!  Bahala na nga!  Binalot ko na lang ang aking sarili sa towel dahil tutal naman ay wala silang malapit na kapitbahay dito.  At ang bahay nila ay ilang hakbang lang ang layo. But wait, nasa sala nga pala sila n'ung haliparot na girl? Kilala kaya niya ako?  Okay lang kaya na ganito ang hitsura ko?  Pero baka magalit si pangit?  Hmm, bahala na nga ulit!  Ano bang paki pa niya?  Mas pinili na nga niya ang girl na 'yun!  Siya na ang bahalang mag-alibi kung sino ako sa buhay niya!

            Wala naman akong choice dahil talagang dadaan at dadaan ako sa sala.  Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.  What if abutan ko silang nagyayakapan or naghahalikan kaya?  Ugh, baliw ka na talaga, Katie!  E ano bang pakialam mo?!  Magising ka nga!  Balewala naman ang existence mo kay Ricky!  Wala pa naman ang nanay at mga kapatid niya sa bahay.  Nagpunta raw sa kamag-anakan. 

            Dire-diretso akong pumasok sa sala nang hindi lumilingon.  Ayokong makita kung anuman ang ginagawa nila!

            “Eto na pala siya,”  Narinig ko pang sabi ni Ricky pero dedma lang ako.  Naramdaman ko na lang na may humapit sa baywang ko and it was him!  Shit.  “Baby, I want you to meet Alexa.”  Malambing pang sabi niya.  But wait-  Baby?  Did he just call me baby?! 

            Noon ko na lang inangat ang tingin ko kay Alexa.  Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

            “Alexa, this is Katie.  She’s my girlfriend.”  Pakilala pa ni Ricky at nalaglag lang ang panga ko sa sinabi niya.

            “H-hi, Katie…”  Bati pa niya at obviously ay napilitan siyang batiin ako.  I can see jealousy in her eyes.

            “H-hi…”  I awkwardly responded.  I am wearing nothing underneath my towel and his hand is still on my waist!

            “She’s pretty…”  Sabi pa niya.  But of course I am, bitch!

            “I know…”  Ngumiti lang si Ricky sa akin.  This is weird.  Bakit niya ako pinakilalang girlfriend all of a sudden?! 

            “Um, iwan ko muna kayo. Magbihis muna ako saglit.”  Paalam ko pa and I feel naked infront of them.  “Ricky, baby…”  Baling ko pa kay Ricky na parang nagulat din sa pagtawag ko.  Tumingkayad ako at manipis ko siyang hinalikan sa labi.  “Later…” 

            “Later…” 

          “Nice to finally meet you, Alexa.”  Iyon na lamang ang sinabi ko still leaving her speechless dahil sa paghalik ko kay Ricky.

            That kiss will be enough para ma-bothered silang dalawa!

********

RICKY’s POV

            I am totally loss now!  Why did she kissed me?!  Oh fvck!

            “Ricky, are you okay?” Napabaling ako kay Alexa at halos nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.

            “I am.  W-what are you saying?” Tanong ko pa ulit.  Actually, kaya ko lang naman ipinakilalang girlfriend si Katie dahil ayoko na ring masyadong magtanong si Alexa about her.  Besides, para na rin sa safety niya 'yun.

            “I said, she’s pretty…”  Napayuko siya and I knew too well that she still likes me.  And, maybe in love pa rin.  I actually felt something special for her too pero not until I live with Malditz.  Things just change unexpectedly.

Yeah, Malditz… My Katie…

            “Yes, she is.”  Tipid lang na sagot ko.  My mind is still wandering, with her on that towel and her sweet scent. Damn it!

            “May problema ka ba?  Why are you shaking your head?  Anong iniisip mo?”  Puna pa niya at hindi ako aware na ginagawa ko 'yun.

            “Um, no.  May naisip lang ako.  Can you excuse me for a second?  I’ll be back soon.”  Paalam ko pa at alanganin lang siyang napatango sa akin. 

Nagmamadali akong umakyat sa ikalawang palapag at naabutan ko si Katie na naghahanap ng shorts!  Tanging body fitted na pink sleeveless lang ang suot niya at pink panty.  Huli na para umatras pa dahil nakita na rin niya ako.  Shit!

            “OMG!  Ricky!”  Napaatras pa siya sa sobrang pagkagulat at agad na tinakpan ang ibabang parte ng kanyang katawan ng short na 'di pa niya naisusuot.

            Hindi na ako nagsalita at sa halip ay mataman lang siyang tinitigan.  I just felt the need to express myself. I want her to know how I feel about her.

            Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis akong lumapit sa kanya.  Hinapit ko siya sa baywang at ang isa kong kamay ay umalalay sa kanyang batok.  Yumuko ako at hinalikan ko siya.  I slowly kissed her while slightly parting her lips.  I pressed myself against her, feeling her trembling all over.  This feeling is so overwhelming.  And we're both breathless as we ended our kiss.

            “I’m sorry and,” Manipis ko lang ulit siyang hinalikan sa labi. “…I love you, Katie.”

            Halos mamilog ang mga mata niya sa gulat. Alam kong hindi niya inaasahan ang mga huling salita ko.  At hindi ko maiwasang mangiti sa reaksyon niyang iyon.

            “Mag-uusap tayo mamaya, okay?”  Pinisil ko pa ang namumulang pisngi niya.  “Suot mo na 'yang shorts mo.  Hindi ko kayang i-promise na mako-kontrol ko sarili ko kung ganyan lang ang suot mo.”  Ngumisi ako at walang kasing pula ang kanyang pisngi.

            Iniwasan kong tumingin pababa at masyadong mapanukso ang hitsura niya ngayon.  Bumaba ako sa sala at hindi ko na kayang alisin ang ngiti ko.  God, I love her. I love my Malditz, my Katie.

********

KATIE’s POV

            Tulala pa rin ako at hindi ko magawang makaget-over sa nangyari.  He loves me.  Ricky loves me.  I’ve never felt this happy!  This is the best day ever! But wait, matapos niya ako pahirapan ng ilang araw?  Sa gan'un lang okay na ako dapat?  But he loves me and I love him too.

Agad na naglaro sa isip ko kung papaano niya ako hinalikan kanina.  He is my first kiss.  Pero 'yung kiss niya kanina ay iba sa nakaraang paghalik niya.  It's a bit intense. Malalim at nakakahilo.  Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko sa halik na 'yun.  At gusto ko ang halik niyang iyon.  Ang halik ng aking Ricky...

           

            B L A G !!!!!

            Nalaglag ako sa upuan at napahilot na lang ako sa nasaktan kong braso.  Shit, nakatulog pala ako.  Napakamot ako ng ulo at hindi ako makapaniwalang panaginip lang pala 'yun! 

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon