Ch 8

624 15 6
                                    


Masarap.

Malambot.

Ibang mundo.

Bagong pakiramdam.

Nararamdaman ko yan habang magkadikit ang mga labi namin ni Kevin. Sa sobrang sarap, nakakagat ko nang kaunti ang mga labi niya na nagpapaungol sa kanya. Lumalaban din siya. Pero hindi na muna kami magpapadala sa damdamin. Humiwalay ako nang mabagal at ramdam ko na hinahabol ni Kevin ang labi ko.

"Masarap diba.", puna ko.

"Lifetime souvenir.", pangiti niyang sagot.

Hiling ko din naman na maging kami pero yung closure, ika nga. At least, meron siyang isang bagay na maalala niya ako kahit papano.

Lumipas ang isang linggo at araw na ng pag-alis nila Kevin. Sinulit na namin ang mga nakaraang araw. Pawang magkakaibigan lang ang turingan namin. Nothing more. Naglaro, kumain, nagharutan, gawaing magkaibigan lang.

Simpleng araw ang alis nila Kevin kaya nagpaalam na kami nina Leo, Jethro, Maynard at ako kay Sir Guevarra para naman masamahan namin sina Kevin sa airport.

"Thank you for the wonderful moments, Armond. Mamimiss talaga kita.", sabay yakap niya sakin nang mahigpit.

"I'll miss you, too, my friend.", sabay ganti ko ng yakap at humiwalay na.

Humarap siya sa likod ko at dinuro ang tatlo ko pang kaibigan.

"Alagaan niyo siya ah. If I heard anything bad about Armond, I swear to God, babalik ako dito and I'll hunt you.", panakot niya.

May konting hibla ng takot talaga itong si Kevin. Latinong latino ang itsura pero kung titigan ka niyan, tagos kaluluwa. Kaya kapag tinakot ka, magtago ka na.

Pagkasabi ni Kevin nun ay tumango nalang ang tatlo. Hindi na sumama si Eddie. Pakipot pa kasi. Alam niyo naman na kung bakit siya di sumama.

Binigyan niya ng tig-isang manly hug ang tatlo at tuluyan nang pumasok sa airport. Kumakaway kaway pa siya nun at gumanti rin kami hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

Sumakay na kami sa kotse ni Leo. Leo at Maynard sa harap, siyempre si Leo magmamaneho. Ako naman at si Jethro ang nasa likod.

"Ok. Where to tayo?", bungad ni Leo.

"Kayo bahala. Basta kung san kayo, dun nako.", sabi ko.

"Sa mall tayo.", si Maynard.

"Ang daming mall, pre.", si Leo.

"Sa MOA nalang. Tagal ko nang di nakapunta dun eh.", si Jethro.

"Oo nga. Ako din. Huli kong punta last 2 years pa ata.", sabi ni Maynard.

"May nagtanong?", sabi ko. Tiningnan nalang niya ako ng masama at tinawanan siya. Hindi naman yan madaling mapikon. Di tulad ng iba.

"Ano, Mond? MOA?", klaro ni Leo.

"Sige sige. Basta may aircon.", sabi ko.

"Tsanggala! May aircon tong sasakyan. Dito ka nalang kaya!", biro ni Leo sabay tawa. Umiling nalang ako at sumabay sa tawa.

~~~~

So ayun, nagpunta nga kami sa MOA. Wala naman kaming masyadong ginawa, puro window shopping, kain, tingin, kain. Ganun lang. Maggagabi na at paalis na kami dun. Nasa sasakyan na kami nang...

*kring kring kring*

Kinuha komphone ko. Pag tingin ko, si Sir Guevarra. Hala!

"Hello, sir."

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Oct 30, 2016 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Mahirap Lang AkoKde žijí příběhy. Začni objevovat