Ch 4

736 19 0
                                    


Eddie, for short.

Eddie

Eddie

Eddie

Familiar ang pangalang Eddie sa akin. Hindi ko lang malaman kung ano iyon. Alam mo yung pakiramdam na nasa dulo ng dila mo pero hindi mo mahila at yung nakabaon sa lupa pero hindi mo malaman kung ano iyon. Grabe! Hindi ko alam pero parang deja vu lahat ng ito.

Inabot niya kamay niya. "It's nice to meet you.", inabot ko rin iyon.

Nung magtagpo mga kamay namin, parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Napatitig ako sa kanya at siya rin sa akin na parang tinatanong kung naramdaman ko rin ba iyon. Agad na rin aing binitawan ang kamay ng isa't isa.

"By the way...", inabot niya yung sobreng may pera sa akin. "... eto na yung sahod mo.", kinuha ko at tinitigan ang pera.

Parang gusto kong umiyak sa tuwa. Eto na. Nasa kamay ko na lahat. Magbabago na rin kami ng estado sa buhay. Hindi na kami magdudusa. Mamumuhay na kami nang matiwasay, maayos, payapa.

"Salamat ulit Sir, Armond. Mauna na ho ako.", agad akong lumabas nang opisina.

Habang nakasakay ako sa jeep, halong saya at pagkalito ang naramdaman ko. Saya kasi makakabayad na kami sa lahat ng utang na meron kami. Pagkalito kasi hindi ko talaga matandaan yung Eddie na iyon pero pakiramdam ko nagkita na kami eh.

Kakaiba naman yung Eddie na iyon. Killer smile, foxy eyes, luscious lips. Aba'y complete package na ito ah! Pero hindi eh. Hindi tikim ang habol ko eh. Sa tuwing makikita ko siya, nagkakaparty sa tiyan ko, kinikilig puso ko, pinagpapawisan, kapag alam kong nariyan siya, kikilabutan ako. Ano bang ibig sabihin noon? May ibig sabihin iyon eh. Pero hindi ko naman piangtutuunang pansin.

Nakarating na ako sa bahay. At naroon silang lahat, busy. Pumasok ako at hingal na hingal dahil tumakbo ako papunta dito.

"Kuya, anong nangyari sa iyo?", tanong ni Marlon.

"Tumakbo... ako.", hingal talaga ako.

"Huh?! Bakit naman?", sigaw ni Mama.

"Eh kasi...", tumayo na ako ng tuwid at humingang malalim at inilabas ang sobre. "...makakapagbayad na tayo."

Nung makita nila iyong sobre, daig pa ang nagpaparty sa hiyawan, sigawan at talunan na pinuno ang bahay. Silang tatlo yakap ako nang mahigpit at niyakap ko rin sila.

Ang sarap talaga makaramdam ng mainit na yakap kasama ang mahal sa buhay dahil sa tagumpay na nagawa mo. Kay tagal kong pinangarap ito. Kay tagal kong inasahan na darating ang oras na magkakaganitong panahon. Dumating na nga iyon. Pero kulang naman. Wala na si Papa. Eto na naman ako. Iyak iyak kunwari drama. Nakakainis.

Kumawala na sila sa pagkakayakap at nagsipagkainan na kami. May kaunting kwentuhan tungkol sa first day ko. Etong si Mama at si Almina tanong lagi kung may gwapo daw ba doon. Siyempre, deny naman ako kasi baka dumalaw pa doon at baka mapahiya pa ako. Si Marlon naman tahimik pero nakikitawa naman. Masaya ang mukha niya pero hindi ganoon.

Nagligpit na kami at nagpuntahan na sa sariling kwarto habang ako naiwan sa baba at tinititigan ang litrato ni Papa.

"Pa, salamat ah. Salamat at tinulungan mo kami. Salamat kasi nandyan ka lang noong kinakailangan a namin. Pero Pa, sana naman nandyan ka lang para gabayan kami."

Papalayo na ako sa altar ni Papa nang may marinig akong ingay sa kusina. Natakot ako. Humarap ulit ako kay Papa.

"Pa, wag mo nang ipahalatang nandyan ka. Alam mo naman ako eh.", paawa kong sabi kay Papa.

Mahirap Lang AkoWhere stories live. Discover now