Ch 2

951 24 0
                                    


Naalimpungatan ako sa gitna ng gabi. Nauuhaw ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong bukas pa ang ilaw ng kwarto nila Mama. Dahan-dahan akong pumunta doon at sumilip nang konti. Sinigurado kong hindi ako makikita ni Mama. Nakita ko sya nakaupo sa duluhan ng kama at yakap-yakap ang litrato ni Papa.

"Hay nako, Ricky. Kung nakikita mo lang ang kasipagan ng mga anak mo, sigurado mapipilitan kang magresign sa trabaho. Pero miss ka na namin. Gabayan mo naman kami sa mga gagawin namin. Huwag mo sana kaming pabayaan."

Nangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Mama at umalis na. Bumaba ako para uminom ng tubig. Pagkainom ko, bumalik na ako sa kwarto para makatulog ulit.

**

Nagising ako sa malakas na sikat ng araw at dahil Sabado ngayon, tutulungan ko muna ang nanay habang si Marlon may project na gagawin sa kapitbahay at si Almina na nasa palengke at tinutulungan si Aling Lena.

Habang wala si Mama para bumili ng lulutuin, ako ang nagbantay sa tindahan. Nakaupo lang habang kinakalikot ang cellphone ko. Ayy lintek! Nakakapikon na Doodle Jump to ah! Konting kibot lang laglag agad. Sa sobrang concentrated ako sa paglalaro, hindi ko namalayan na may naghihintay palang bibili sakin.

"Kuya! Pabili po.", sigaw nito.

"Teka lang.", pagtingin ko, babae lang pala na kaedaran ko o mas bata o matanda pa sakin nang isa o dalawang taon lang. "Anong bibilhin mo?"

"Ikaw, pwede ba?", ang harot nito ah. Nangiti nalang ako. Sa bayang ito, alam nilang kahit gwapo ako, may pagkaberde dugo ko eh.

"Baguhan ka lang dito, noh?", tumango lang siya.

"Dito kasi, ate, gwapo ako", nakilig namang ang gaga. "pero bakla ako."

Parang hindi siya naniwala. Ang tigas naman. "Weh? Di nga? Hindi halata."

"Oo nga. Magtanong ka pa."

Sinundan din niya yung pang-uto-utong utos ko sa kanya. Nakaka-ilang tanong na siya, lahat sila sabi bakla ako. Ayaw pa talaga bumigay.

"Suko na ako. Oo na. Bakla ka na. Sayang lang talaga. Oh siya, tatlong Knorr Chicken Cubes."

Pagkabigay ko, nagbayad na siya at binigay ko sukli. Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay niya sa harapan namin. Tiningnan ko lang siya na may halong pagkalito.

"I'm Kyla. Bagong lipat three houses away.", pagkilala niya.

Inabot ko kamay ko. "Armond.", at agad na akong bumitaw.

Pero iba rin itong babaeng to. Sexy, maganda, mukahng may lahi, body shape niya pang-model, hindi siya mataba, hindi rin payat. Tama lang. Siguro kung sino yung magiging nobyo nito, sasarap ang buhay.

"Mukhang malungkot ka diyan ah. Samahin kita. Gusto mo?", hindi flirty yung tunog ng boses niya kaya gumaan naman agad loob ko sa kanya.

Pinapasok ko na siya sa tindahan at nagsimula na kaming magkuwentuhan. Parehong Pilipino ang magulang. Sadyang maputi lang lahi nila. Tapos na siyang mag-aral at waitress siya sa Giligan's sa Kalayaan Ave. Sabi ko nga sa kanya bisitahin ko siya dun eh. Sabi niya wag nalang daw at baka mapagkalaman siyang nakikipaglandian at masisante pa.

Dumating na si Mama at pinakilala ko silang dalawa sa isa't isa at sinabi ni Kyla na uuwi na siya dahil magluluto pa siya. Nagpalitan kami ng number at iyon nakaalis na siya. Pero hawak ko phone ko, napaisip na naman ako.

Bakit wala pa yung text? O kahit tawag? Hindi ba ako tinanggap? Pero imposible yun, baka marami lang inaasikaso kasi marami rin kami nag-apply noon eh. Kaya maghintay nalang ang kaya naming gawin.

Mahirap Lang AkoWhere stories live. Discover now