Ch 5

614 17 0
                                    


Oo, mahal ko si Papa. Pero wala na siya. Wala na siya sa tabi ko. Literal na wala na. Hindi ibig sabihin noon na kinakalimutan ko na siya. Ayoko lang siyang mabanggit sa harapan ko kasi naalala ko yung mga oras na buhay pa siya, na pinaparamdam niya ang pagmamahal niya samin. Pangalawa, naalala ko yung mga oras na naghihirap siya. Ang sakit makita nun. Kaya pilit kong iwasan o maramdaman ang mga paghihirap niya noong buhay siya at pinagtutuunang pansin na lamang ang mga nagawa niyang mabuti sa amin.

Pagkauwi ko, si Marlon na lamang ang gising.

"Oh, bat ka pa gising?"

"Eh, hinihintay kita eh. Tsaka sabi na rin ni Mama sakin na hintayin ka since wala ka namang susi ng bahay."

Napangiwi ako. "Galit ba si Mama?"

"Huh?! Bakit naman?"

"Eh, kasi gabi na ako nakauwi eh. Malay mo nagtampo."

"Hindi yun. Alam mo naman, napapagod lang kaya napaaga ang tulog."

Lumuwag paghinga ko. "Buti naman. Oh sige, matulog ka na. Ako na bahala dito."

"Ayoko pa, kuya. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok ko eh."

"Hindi ka sumusunod? Umakyat ka na dun. Baka malate ka pa sa school mo bukas."

Awa ng Diyos, hindi pa siya gumalaw at patuloy na nagtetext.

"Matigas kang bata ka ah.", bulong ko sa sarili.

Naghubad ako ng damit pang-itaas at lumapit sa kanya. "Uy, kuya! Ano bang ginagawa mo?!"

"Alam mo ba kung ano ginagawa ko sa mga gwapong makulit?", lumapit ako sa tenga niya at bumulong. "Ginagahasa ko.", pabiro kong sabi.

"Kuya!", bulong niya na may halong sigaw.

Lumayo ako nang onti. Tiningnan ang mukha at dinilaan ang mga labi. "Kahit kapatid kita, Marcos, kayang kaya kong gawin sayo yun."

Dahan dahan kong ginapang ang kamay ko sa balikat niya pababa ng katawan niya. "Handa ka na ba?", kitang kita sa balat niya ang kilabot.

Tinulak niya ako nang onti. "Ikaw kuya ah. Sige na nga. Eto na. Aakyat na at baka magahasa mo pako. Hindi pa naman ako handa.", umakyat na siya sa hagdanan

Nagulat ako sa sinabi niya. "Huy, ano sinabi mo?!"

"Good night, kuya! I love you!", patuloy pa rin siya sa pag-akyat hanggang sa matungo niya ang kwarto niya.

Umiling nalang ako. "Loko-loko."

Ni-lock ko na lahat ng pintuan at bintana at pumunta na sa kwarto. Nagbihis na ako para matulog, naghilamos, toothbrush, pinatay ang ilaw at diretso sa kama. May aninag naman ng buwan kaya hindi masyadong madilim ang kwarto. Nakapikit na ako nang biglang tumunog cellphone ko. Sunod-sunod. Apat siguro yun o lima. Pagtingin ko, napangiti nalang ako kung sino nagtext. Yung mga gunggong ko palang mga kasama kanina.

Uy sorry na. -Derrick

Pasensya kung natanong namin. -Jethro

Wag ka na magalit please. -Maynard

Wala akong kinalaman kanina. -Leo

Pero ang nagpangiti sa gabi ko ay yung text ni Eddie.

Wag mo na silang intindihin. Kapag mangasar pa sila, sabihan mo ako. Reresbakan ko. I'm always here to protect you. Wag kang mag-alala. Good night.

Nagreply ako sa kanila as a group chat.

Guys, I'm fine. What happened kanina, kalimutan na natin. Nagdrama lang ako nun. Wag niyo nang intindihin. Sige. Tulog na. See you tomorrow.

Mahirap Lang AkoWhere stories live. Discover now