Ch 3

774 27 3
                                    


Sinabi ko na kila Mama ang balita na may slot na silang nahanap. Si Mama napaiyak habang ang dalawang bubwit ay tuwang tuwa. Ako naman, halong kaba at excited kasi syempre, bagong lugar iyon at trabaho na iyon. Paano na lang kung pumalpak ako? Edi nasisante agad ako. Wala na naman kaming maiipon. Dapat talaga husayan ko ang pagbenta. Para may reward din pagkatapos.

Tumingin ako sa orasan at 10:00 na. Nataranta naman ako nang bahagya. Kumain na ako dahil hindi na ako makakakain pa mamaya. Naligo na, nagbihis na kaaya-aya sa mata ni Sir. Tshirt lang at denim jeans ang suot ko. Hindi naman ganoon kastrikto si Sir sa mga suot. Tsaka ibibigay din naman niya yung uniporme ko sa pang-araw-araw. Magdadala pa pala ako ng bag.

Nagpaalam na ako kay Mama dahil wala ang dalawa. Sumakay ako ng jeep papuntang SM San Lazaro. Hindi naman ganoon kalayo ang lugar kaya napabilis ako nang konti. Bumaba na ako ng jeep sa tapat at tumingin sa SM.

"Eto na. Wala nang atrasan to.", bulong ko sa sarili.

Noong tumingin ako sa relo ko, 5 minuto nalang pala ang natitira. Naging track star ako noon sa bilis. Konti pa lang naman ang tao kaya kumaripas na ako. Saktong 11:00, andoon na ako sa tapat ng opisina ni Sir. Kumatok ako nang tatlong beses at pinapasok na niya ako.

"Oh, hiningal ka yata ah.", pansin ni Sir.

"Eh kasi Sir... malalate na po ako eh... kaya binilisan ko nalang po... ayoko naman din pong malate... sa una kong trabaho.", nakatuwad ako nang bahagya, mga kamay nasa tuhod at hinahabol ang hininga.

Napatawa naman si Sir. "You never fail to make me laugh. Oh siya, here are your weekly uniforms and your keys to your locker. And tara na, samahan na kita para makilala mo mga kasamahan mo.", tumayo na siya at sinamahan ako sa locker room.

Eto na! Meeting of new people. Madami nang tao ang naghahanda dito since 10 naman nagbukas ang SM at 11 ang department store. Pumalakpak si Sir at napukaw niya lahat ng atensiyon na ikinakaba ko naman kasi ang dami nang nakatitig sakin. Halata na ang mga tanong sa mga mata nila. Tsaka bumubulong din kaya naririnig ko kahit konti.

Sino naman ito?

Baguhan uli? Anyare kay Gemma?

Gaga! Tumanda na diba. Nagretire.

Pinagpapawisan na talaga ako. Ang iinit ng mga titig. Parang tagos sa kaluluwa ko yung mga titig. Pero kinalma ko sarili ko. Nanaig pa rin ang lakas ng loob ko.

"This...", sabay akbay ni Sir. Magkasintangkad lang kami pero mas siya. "...is Armond Dillinger. He is your new recruit. I want you to be nice to him because he will replace Gemma. And befriend him. Baguhan pa lang ito at baka bukas, magresign na.", tawa naman yung iba. "He will be working with the Nike section.", konting hiyawan doon sa bandang likod. "So, Darwin, kindly escort and orient this young man."

"Sure. No problem.", sabi ni Darwin nga ba.

"Okay, everyone. Go back to work. And have a nice day!", pumalakpak nang dalawang beses si Sir at nagsigalawan na ang lahat.

Umalis na si Sir habang ako hindi alam ang gagawin. Nakapako ang mga paa ko habang tinitingnan ang iba na maghanda para sa pagbukas ng mall.

"Ano? Tara na.", nagulat ako kay Darwin. Halata siguro sa mukha ko ang pagkagulat at kaba kasi nagulat talaga ako at parang naiilang ang itsura. Tumawa nalang ang gwapong ugok at leche flan talaga! May dimples!

Ano ba itong mga nangyayari sa akin ngayong mga araw? Puro magaganda't gwapo nakakasalubong ko? Dalawa lang yun: pinagpala akong gwapo't maganda ang makakasalamuha ko o sinuwerte lang.

Naglalakad na kami ngayon ni Darwin papunta sa locker ko. Pagdating doon, nagpakilala na kami. "I'm Darwin Guttierrez. The head of the section you're going to work with."

Mahirap Lang AkoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora