Ch 7

601 16 2
                                    


Natapos na rin shift ko at ramdam ko na talaga ang pagod sa kakabenta ng mga gamit. Sinarado ko na locker ko at umalis na. Naglakad na ako papuntang exit nang humarang ang tatlo ko pang ugok na kaibigan.

"Op op op! San ka pupunta?", sabi ni Jethro na nakabihis na pauwi.

Sa totoo lang, nawala na galit ko eh. Sadyang nagkukunwari na lang ako para at least madala sa ugali ko ang mga 'to. Tiningnan ko nalang sila na parang sinasabi 'Hindi ba halata?'

"Mond, kakausapin ka lang namin. Mabilisan lang 'to.", sabi ni Leo.

Napapikit lang ako at humingang malalim at inikutan sila. Kasama na rin yun sa acting ko. Pero mapilit talaga itong mga 'to. Hinarangan na naman nila daraanan ko.

"Armond naman oh.", si Leo.

"Sige ka. Kapag hindi ka sumunod samin, sasabihin namin kay Eddie na gusto mo siya.", si Maynard.

Nabigla naman ako sa sinabi nila. Pano nila nalaman yun? Hindi ko naman yun sinabi sa iba. Hindi ko nga sinabi kahit kanino eh. Sa pagkabigla ko, hinila ko sila sa banyo. Tiningnan ko ang bawat stall kung may tao. Sa awa ng Diyos, wala. Sobrang sarap ng upo nila dun sa sink samantalang ako, nangangandaratang magtaka kung pano nila nalaman yung kalalim-laliman kong sikreto.

"Pano niyo nalaman yun?"

"Pre, mga tingin mo palang sa kanya, may halaga na. Kapag wala siya, kung hanapin mo, parang nawawala ng isang taon.", panimula ni Maynard.

"Yung mga bagay na ginagawa mo sa kanya, ginagawa mong malaki. Panong hindi mahahalata yun sayo?", sunod ni Leo.

Grabe! Sa sobrang halaga ni Eddie sakin, hindi ko na namalayan na nahahalata na pala ng iba yung mga aksyon ko.

"Alam ba ni Eddie?", nag-aalinlangan na ako niyan.

Kibit-balikat silang tatlo eh. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero parang ganun din si Eddie eh. Nagagalit siya kapag may iba akong kausap. Kung makaprotekta siya sakin, parang pagmamay-ari niya ako. Hindi kaya't may nararamdaman na rin si Eddie sakin? O ganun lang siya bilang kaibigan? Sadyang panahon nalang makapagsasabi nun.

Napansin kong parang natagalan na kami. Pagkatingin ko sa orasan ko. 10 minuto na ang nakalipas tas naalala ko si Kevin.

"Shet!", bulong ko sa sarili ko.

"Bakit? Anong problema?", alalang tanong ni Maynard.

"Si Kevin naghihintay."

Nung sinabi ko yun, nagtinginan silang tatlo at kita ang pagtataka.

"Sino naman yun?", si Leo.

Sabihin ko ba? O wag na?

"Yung customer ko kanina. Nag-aya."

"Bihira yun ah.", sabi ni Jethro sa kanila.

Hindi ko na hinintay pang matapos ang usapan nila. Agad-agad na akong umalis. Hindi naman din nila ako pinigilan. Talagang nagmadali ako nun. Alam mo naman kailangan kong maging magandang tao sa kanya at baka mag-iba ang first impression niya sakin.

Paglabas ng exit, nakita ko siya nakatayo at naghihintay.

"Hey!", bati ko.

"Hey!", balik niya.

"Did I take too long?"

"No, you're fine.", nakahinga naman ako nang malalim nun.

"Okay. So shall we go?", tanong ko na tinungo niya.

Umalis na kami at pumunta sa isang kainan. Ayokong pumunta doon sa usual kong kinakainan at baka nandun ang mga loko-loko, baka asarin pa kami.

Nakaupo na kami at nag-oorder na. Nakapili nako ng akin at pipilian ko na sana siya nang nakapag-order na pala ito. Kilala niya ang pagkaing Pinoy?

Mahirap Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon