"Kumain na nga lang tayo. Bawas init ng ulo" alok ko sakanilang dalawa.

"Libre mo" sagot ni Vincent.

"Tangna, pare akala ko mag pa-pari ka? Simulan mo na ngayon na maging mabait"

"Gago, bukas ko na sisimulan. Ilibre mo na kami ngayon, siraulo"

Tinawanan ko si Vincent, "Putek, lakas mong mag trash talk, Vincente. Seryoso ka sa plano mong mag pari? Di ka tatanggapin sa simbahan niyan"

"Tangna, sinong may sabing seryoso ako sa sinabi ko kanina. Uto-uto ka rin, e"

"Nag a-adik ba kayong dalawa?"

Natigil lang kami ni Vicent sa murahan nang magsalita na si Leslie. "Pasensya na. 'to kasing si Vincent" sinisi ko siya para hindi lang ako ang madamay sa init ng ulo ni Leslie.

"Sinusubukan lang namin na patawanin ka" ito na si Super Vincent, nagkukunwaring superhero. Siraulo din naman, "Huwag ganyan, pare. Ang kay Manansala ay kay Manansala. Tigil na sa pag papa-good shot, wala kang abs"

"Nagsalita ang may abs"

"Pakita ko pa sayo, ano?!" itataas ko na dapat ang suot kong T-shirt para matigil na siya sa pagkontra sa'kin nang tumawa si Leslie.

"Mapapahiya ka lang sa gagawin mo, Ralph. Tara kumain nalang tayo, tumawa na rin ako. Okay na kayong dalawa?"

Sabay pa kaming napakamot sa ulo ni Vincent. Tawa lang nang tawa si Leslie habang naglalakad palayo sa'min, "Nalintikan na, pare. Nabaliw na yata" sinabi ko kay Vincent.

"Wala akong kasalanan"

~

Napagkasunduan namin tatlo na hindi kumain sa cafeteria o sa canteen nina Jason, na feeling matangkad, sa labas kami ng campus kakain.

"Nakakagwapo pala kapag katabi kita" lumapit ako ng kaunti kay Vincent, katabi niya si Leslie habang naglalakad. Tinabihan ko lang silang dalawa para makasira sa view. Nagmumukha silang close na close kapag magkatabi. Ang mga tao pa naman sa panahon ngayon iba ang takbo ng isip.

May makita lang na babae at lalake na magkasama iba na ang tumatakbo sa utak.

Kung si Diwata at Leslie naman ang makikita niyong magkasama ngayon maaari na rin silang mapagkamalan na mag-on. Mukha na kasing lalake ang baklang 'yon. Mas naging mukhang matipuno kesa kay Paul.

"Pakitulak nga si Ralph, Vincent. Nag fi-feeling pogi kahit hindi naman"

"Pogi ako, may nag chat sa'kin kagabi ang gwapo ko daw"

"Gwapo ka pala, itutulak na kita"

Kung ikaw kaya Vincent ang itulak ko para mawala ka na sa tabihan ni Leslie. Ako ang malilintikan nit okay Manansala. Kahit anong gawin kong mag singit sa usapan nilang dalawa kapag kaming tatlo lang ang magkakasama lagi pa rin akong nababalewala.

Pinagtripan ko na rin si Vincent dati, sinabi ko na pinapatawag siya ng Dean para lang makalabas siya sa room namin pero hindi niya kinagat ang naisip kong kalokohan. Hindi ko raw nga kilala 'yung school Dean namin paano ko daw makakausap 'yon.

Ang  tanga ko kasi, hindi ko nga kilala si Dean. Malay ko sa hitsura niya, napagkamalan ko pa na Dean talaga ang pangalan niya. Ang gwapo ko kasing tanga.

"Hindi tayo close, pare. Huwag mo akong hahawakan" seryoso kong sinabi sakanya. Tiningnan niya rin ako ng seryoso. "Wala akong balak hawakan ka, gago"

"Tangna, Dota nalang tayo, ano?"

Napipikon na ako sa lalakeng 'to. Nagiging seryoso ang dating sa'kin ng mga mura na binibitawan niya. Pakiramdam ko ayaw niya rin akong kasama. Mabuti at nararamdaman niya rin kung anong nararamdaman ko kapag magkakasama kaming tatlo.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now